"Sigurado kabang hindi mo ako sasamahan sa loob?" Tanong ko kay Sir.
Hinatid nya kasi ako sa venue ng Exhibit.
"No. Enjoy the exhibit. If there's something wrong, contact me first. Ok?"
"Ok."
Kinabukan nga nang malaman ko na umalis si Sir sa trabaho ay tinulungan ko syang mag-impake ng mga gamit sa office nya.
Sinabi ko rin kay Ate ang pag-alis ni Sir sa trabaho pero katulad nang mga nakaraang araw simula noong malaman nya na kami na ay hindi parin ako pinapansin ng Ate. Gusto nya talagang makipaghiwalay ako sa Sir.
"Take care." Followed by his soft kisses on my lips.
Isang hotel ang venue ng Exhibit. Dito rin kami kumain ni Ate at nakita si Blackwagon.
"Welcome Ma'am. May I see your invitation card?" Tanong ng receptionist sakin.
Pinakita ko naman iyon at pinapasok na ako.
Bumungad sakin ang isang klasikong tugtog at malimlim na ilaw.
Maganda ang konseptong inilahad sakin ni Blackwagon pero hindi ko inaakalang mas maganda pala kapag na isa buhay na ang lahat ng iyon.
Isa-isa kong tiningnan ang mga painting at sa hindi mabilang na pagkakataon, namangha na naman ako sa kanyang mga obra.
Pero sa lahat ng obra nya, may isang obra syang sobra akong napatulala nang lapitan ko ito.
Yung hindi nya pa tapos na painting ay tapos na at ang nilagay nya sa gitna ay...
'Yeah. Hindi pa nga sya tapos. Gusto kong ilagay dyan yung isang bagay na sa tingin ko naging parte or magiging parte ng buhay ko.'
Naalala kong sambit nya.
Magiging parte ng buhay nya? Ako?! Bakit ako?
"You're here."
Nagulat pa ako ng bahagya nang marinig ang boses nya.
Natawa naman sya sa reaksyon ko.
"You're surprised. It's cute." Sabay tingin sa painting nyang may mga ngiti sa labi.
"Don't get me wrong about painting your face here. You, symbolizes my fan. Dba sabi mo fan kita? Kaya ikaw ang nilagay ko dyan kasi nakita ko sayo ang katangian ng isang totoong taga-hanga. Yung kislap sa mata mo at ngiti mong totoo, I really appreciate those and love it."
Hinarap nya ako't seryosong tiningnan.
"You're going to be part of my life from now on. " Mahabang katahimikan ang bumalot sa amin. Napalunok ako't hindi alam kung ano ang sasabihin.
"As a fan. Of course. Hahaha" saka umiwas ng tingin.
"Jerric! Here!!"
Nagulat ako nang hilahin nya ako palapit sa kanya at inakbayan. Isang iglap ay may picture na kami. Sunod-sunod iyon kaya hindi ko alam kung ano yung postura ko roon.
"Excuse me for a second." Sambit nya. Tumango naman ako't tiningnan syang naglakad palayo.
Tiningnan ko ulit ang painting.
Grabe! Nasa painting nya ako. Ang ganda pero bakit hindi ko maappreciate ng ganun?? Bakit?!
"You knew my brother." Biglang sulpot ng isang babae.
Si Veronica!
Kung minamalas ka nga naman oh!
"Your dress suits you." Puna niya.
Napatingin naman ako sa suot na dress. Medyo maikli iyon pero kayang-kaya ko namang dalhin.
"Kaya pala familiar ang babae sa painting na ito. It was you all along."
Tahimik lang ako sa sulok. Hindi alam kung ano ang point nya o kung ano ang kailangan nya.
"Christian, my brother and me used to be friends, bestfriends to be exact."
Sila?
"You looked surprise. Hindi ba nasabi ng katapid ko o ni Christian sayo?"
Napalunok ako.
Hindi ko alam na mas may malalim pa pala silang connection. Akala ko soon to be brother-in-law lang si Jerric at fiancee lang si Veronica.
"Bata palang kami, gustong-gusto na ni Kuya ang pagpipinta. Ginawa nya ang lahat para maging pinakamagaling sa buong klase pero dumating si Christian, an aloof and emotionless kid in our room. He took the spotlight from Kuya so Kuya decided to befriend with him. He took me with his plan. We befriended him and he accepted us. Lagi na kaming magkasamang tatlo. We did what bestfriends do. Everything went smoothly for us not until we decided to drop our intention to Christian. We befriended him because we want to get the spotlight back to us-to my Kuya."
'Lahat ng taong pinahalagahan nya, ginamit at sinaktan lang sya. Sana. Sana hindi ka katulad nila. Sana iba ka, Kristine.'
Naalala kong sambit ni Sherby.
"You-- you!" Hindi makapaniwala. Paano nila nagawa yun? Hindi ko inaakalang isa sila sa tinutukoy ni Sherby.
"Yeah. Pero alam mo bang hindi pa rin mabalik ang spotlight kay Kuya kahit anong gawin namin? Sadyang magaling si Christian. At that time, pangarap na din pala ni Christian ang maging painter."
She laughed fakely.
"So my brother decided to broke his arm"
'At some point? Yes. Because of my dream, I destroyed someone's dream.'
Yung dream pala ni Sir yung tinutukoy ni Blackwagon nun.
Tears started to fall from my eyes. I felt pity for him. Omygosh! Tama nga si Sherby, he suffered a lot.
Nasasaktan ako para sa kanya.
"P-paano nyo na-nagawa yun? P-aano?"
"Let us say, we're evils but at least, we succeeded. Hindi na nga nakapagpinta si Christian. He lost his dream and my brother gained his."
Malalalim ang paghinga't tiningnan sya.
"Yeah. Evils." Sabi ko habang masamang nakatingin sa kanya.
Nakangiting bumaling sya sa'kin.
"Don't judge us. We're just chasing our dreams. And..."
Tumingin ulit sya sa painting
"We felt guilty afterwards. So we decided to pull this engagement thing. Sa pag-aakalang walang magtatagal o magkakagusto sa ugali ni Christian baka wala rin syang makasama sa pagtanda kaya napagpasyahan namin ni Kuya na i-engage ako kay Christian. Pero dumating ka, you ruined our plan. Is it rude for you to interrupt our plan?" Sabay baling sakin na may pang-uuyam sa mukha.
"Rude? Alam mo pala yung word na yun?! Akala nyo walang makakatagal sa ugali nya kaya sinuggest nyo na kayo nalang magsama? Ganun ba kasama ang ugali nya para sa inyo?"
"Bakit hindi ba? Maganda ba ang ugali nya?"
"Ha! I'm glad that you're no longer friends with him!"
I started to walk away when she muttered a word that made me halt.
"I don't love him"
Dahan-dahan ko syang hinarap. Tears are still falling from my eyes.
"I felt guilty about what my Kuya did to him so I agreed to that engagement. Handa akong pagbayaran ang kasalanan ng Kuya ko sa pamamagitan ng pagpapakasal sa kanya. But when you came, I felt belittle at first because Christian chose you over me but surrounded by the chaos of our families, I felt relieved that finally I'm going to be out of the picture. You're going to take my place. Should I say thank you or..."
She smiled playfully...
"Goodluck?"
And walked away.
