21. Found

881 36 5
                                    

"Congratulations!"

Bati sakin ng mga faculty members dito sa paaralang pinagtuturuan ko.

"Ano ba?! Nakakahiya. Hindi naman kailangan ng ganito."

Nagprepare kasi sila ng munting salo-salo para sa'kin.

"Anong hindi! Ang laking achievement kaya yung natanggap ka sa International School na yun sa Manila!"

"Ha? Hindi naman."

"Basta ha. Kapag nakapwesto kana dun, ilakad mo kami para may kasama ka naman dun, dba?"

"Oo. Susubukan ko." sambit ko at ngumiti sa kanya.

"Tara na. Kumain na tayo. Nag-ambagan kami dito. Hindi kasali yung principal natin. Alam mo naman. Ayaw na ayaw ka nyang umalis dito. Nagtatampo."

"Sabihin mo, nagseselos kamo!" Sabat ng isa.

"Aba! Kanino sya magseselos, aber?!"

"Malay ko."

"Ang sabihin nyo, natatakot lang yun kasi kapag wala dito si Kristine, hindi nya na mababantayan yung mga nanliligaw kay Kristine."

"Exactly. Takot lang naman yun malamangan ng ibang katulad nyang manliligaw din ni Kristine."

"Eto kasi si Kristine, dalawang taon nang nililigawan ng tao, ayaw paring sagutin!"

"Aba! Eh sa ayaw ni Kristine! Ganun yun kapag maganda! Palibhasa hindi mo alam yun kasi hindi ka maganda."

"Bastos ka ah! Ikaw nga alam mo yun kahit hindi ka naman maganda! Chismosa kalang!"

"Aba! Bastos ka rin ah!"

"Hey! Stop it, guys!" Natatawang awat ko sa kanila.

"Heto kasing si..."

"Anong ako? Ikaw nga tong.."

"Tama nayan. Kayo talaga. Kumain na kayo dito"

Sa kalagitnaan ng aming salo-salo ay pinatawag ako sa Principal's Office.

"Ms. Magdayao, sigurado kabang tatanggapin mo ang alok na iyon?"

"Sir, alam mo namang may sakit ang ate at kailangan nyang madala sa Manila para mapagamot. Kailangan ko rin yung trabahong iyon para sa mga gastusin ni Ate."

"Kristine.." Tumayo sya sa kanyang kinauupuan at lumapit sa akin.

"Sinabi ko naman sayo dba? Ako na ang bahala sa gastusin ng Ate mo." Hinakawan nya ang aking braso na mabilis ko namang nilayo at humakbang paatras.

Ilap parin ako sa mga lalaki pero hindi na katulad ng dati na nanginginig at nagiging hysterical ako t'wing may lumalapit na lalaki. Nakakaya ko nang makipag-usap sa kanila at makasama sila basta wag lang nila akong hahawakan o tititigan nang matagal.

"Sorry." Aniya't bumalik sya sa kanyang upuan at naupo.

"Kristine, can't you stay here?"

"Sir, buo na po ang desisyon ko. Salamat sa lahat ng tulong at gabay nyo. Paalam." Dire-diretso kong sambit sabay labas ng office na iyon.

Para kay Ate to.

Yun lang ang laging tinatatak ko sa isip ko.

Para kay Ate na ngayon ay may sakit na cancer.

Kailangan ng malaking halaga para sa pagpapagamot nya at kailangan din ng malaking hospital para roon.

"Buti nalang talaga nandito na kayo sa Manila! Hindi ko na kailangang pumunta sa Negros para bisitahin kayo." Sabay upo sa sofa ng magiging bahay namin dito ni Ate.

Spoil Me, Sir ChristianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon