Dedicated to: margauxmit AngelieLawas
"Thank you." Sambit ko kay Dester. Pagkababa ko ng sasakyan nya matapos nya akong ihatid sa bagong school na pagtratrabahuan ko. Mayabang naman syang ngumiti sakin.
"Sa totoo lang, hindi mo naman ako kailangang ihatid pa dito. "
"Baklang too! Ano gusto mo? Ihatid kita ulit sa unit mo?!" Masungit nyang sambit.
Tatalikod na sana ako nang bigla nya akong pigilan.
"Teka lang, bakla!" Sigaw nya saka dali-daling bumaba ng kotse nya.
"Nag-effort akong magluto ng maaga tapos iiwan mo lang to?!"
Padabog nyang inabot sakin yun.
"Sorry, nakalimutan ko."
"Whatever. Snacks saka lunch mo na yan." Mataray nya paring sambit.
"Honestly, you don't have to do this. I can manage my own."
"Di hamak naman na mas masarap yung luto ko kesa sa luto ng iba dyan no!"
Napangiti ako. Masarap nga syang magluto pero di ko aaminin yun. Baka lumaki lalo yung ulo eh.
"Wala lang talaga akong choice since hindi naman ako marunong magluto. Hahaha."
Masama nya naman akong tiningnan na pinalitan ko naman ng mga tingin na nang-aasar.
"Alis na nga ako. Bye, ungrateful woman!" Sabay irap pa.
Pumasok sya sa kotse nya at pinaharurot iyon. Natawa nalang ako sa inasal nya. Grabe talaga magtampo yun!
Kung titingnan mo si Dester, hindi mo masasabing bakla sya kasi lalaking-lalaki yung kilos yun nga lang minsan,napapairap sya lalo na kapag inis na inis na sya. Hahaha. Ganun din yung pananalita nya. Nagiging bakla lang sya kapag ako lang yung nasa harap at kausap nya pero kapag nasa public na kami ay lalaking-lalaki sya kung kumilos at magsalita. Di pa raw kasi syang handang lumadlad.
"Kristine! Good morning!" Naputol ang aking pagmuni-muni nang sumulpot bigla si Sherby.
Lumapit ito at masaya akong binati.
"Good morning din, Sherby."
"Welcome to my BROTHER'S school." Hindi ko alam kung ganun talaga yun o sinadya nyang lakasan yung word na "brother's" para ma-emphazise iyon pero hindi ko nalang pinansin.
Ang totoo kasi nyan, simula nang magkita kami ni Sherby sa Hospital na iyon ay hindi na ako mapakali with the fact that I'm going to be his faculty member.
Hindi ako nakatulog kagabi, kakaisip ng pwedeng mangyare, anong mangyayare,anong gagawin ko, o anong gagawin nya.
Bahala na!
Ngumiti lang ako kay Sherby para maitago ang halo-halong emosyon.
Selp?Di kana magpapa-apekto,ok?! Napag-usapan na natin to? May pamilya na sya, remember? Hindi kana dapat nagkakaganyan! Ayusin mo sarili mo, Kristine!
"Halika. Turo ko sayo yung office mo"
Nauna na syang maglakad samantalang ako naman ay huminga pa ng malalim bago sumunod sa kanya.
"Kristine?" Tawag sakin ni Sherby.
Napahinto kasi ako sa paglalakad nang maramdaman na parang may nakatingin sa malayo sa'kin.
Tiningnan ko yung bintana nang bahay na katabi lang ng school na'to. Wala namang tao. Weird.
"Sorry." Sambit ko saka nagmadali nang sumunod sa kanya.
