"Iho, halika dito! Picture tayo!" Sigaw ni Lola.
Wala naman kaming nagawa kundi lumapit nalang doon.
Hinila ko si Sir sa pinakadulo.
"Dito ka sa dulo kasi if ever man na maghiwalay tayo, madali kalang icrop o di kaya guntingin sa picture."
Nabasa ko kasi yun kay mareng Google. Tips yun para sa mga jowang makikisama sa family pictures nyo.
Napabaling ako sa kanyang nang mapansing hindi sya gumalaw sa kinatatayuan.
Masama syang nakatingin sa'kin.
"Icro-crop? Maghiwalay? Guntingin?" Ulit nya sa sinabi ko. Nakakunot parin ang noo.
"Aiisssh! Nagiging practical lang naman ako. Smile kana." Sabi ko sa kanya at tumingin na sa unahan pero nagulat ako nang hilahin nya ang kamay ko at pumunta sa gitna.
"Lola!" Tawag nya kay Lola.
Wow! Close! Lola daw!
"Oh, Iho! Dito ka! Tabi ka sa'kin." Yaya ni Lola.
Nagulat naman ako nang magtungo nga sya doon sa gitna at tumabi kay Lola.
Naisahan ako ah!
Paano ko pa sya gugupitin nyan?!
He looked at me with a smirked on his face.
1...2..3...SMILE!!
Siguro nga hindi ko na sya magugupit o maaalis sa buhay ko. Mahirap. Mahirap alisin yung taong wala namang ginawa kundi iparamdam sayo kung gaano nya kagustong manatili sa tabi mo.
Hindi ko rin kaya. Hindi ko kayang alisin sya. Mahal ko na ata to.
"Are you ok?" Tanong nya nang ihatid ko na sya sa sasakyan nya.
Nakaalis narin ang iba pati na si Lola.
"Oo. May iniisip lang."
"What is it?"
"Wala. May narinig lang ako kanina. May binanggit si Lola na kailangan ko daw malaman..."
He cut me off.
"Do you want me to look into it?"
"Ha? Anong gagawin mo?" Nagtataka kong tanong.
"Well, I'll investigate about it or I can see what I can do to answer your query so you'll stop thinking about it"
"Ha? Papaimbestigahan? Sinong gumagawa nun sa kapamilya? Ang weird naman nun. Hahaha. Wag na. Tatanong ko nalang kay Ate."
"Kristine, sometimes there are things that they can't tell us so we need to discover it on our own."
"Hmm? Kung hindi man masabi ni Ate edi hindi. Malaki ang tiwala ko sa kanya kaya kung may hindi man sya masabi, alam kung ginagawa nya lang yun para sa'kin or maybe hindi naman ganun kaimportante."
He patted my head.
"My wife is so innocent."
I pouted.
"Umuwi kana nga."
He closed the distance between us and kissed my forehead.
"Thank you for the day. I really enjoyed it."
"Gusto kong ganun ka lagi. Mas lalo kang gumagwapo kapag nakangiti at tumatawa ka"
"I was like that because I was with you."
Kinabukasan, maaga pa akong pumasok sa school at nakasalubong ko si Ms. Hitoshi.
"Good morning maam" bati ko sa kanya. Dalawa palang kami sa room kaya naupo na ako sa desk ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/208662102-288-k907919.jpg)