Lumipas ang mga araw na para bang nasa isang magandang panaginip ako.
Unti-unti ko nang nalalagpasan ang trauma ko dahil na rin sa tulong ng psychiatrist na kinuha ni Sir at syempre ng pamilya ko.
"Ready for tomorrow?" sambit ni Trisha.
"Yes,"may mga matatamis na ngiti sa'king labi. Bukas na ang kasal namin ni Sir sa simbahan.
Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon.
"Don't worry about a thing. Naayos na ang lahat. Inayos na ni Sir. For now, magpahinga ka na. Beauty rest ba."
Tumango ako sa kanya't lumakad na papasok ng kwarto.
If this is a dream, please, don't wake me up.
Pero sa hindi mabilang na pagkakataon, pinaglaruan na naman ako ng tadhana.
NAGISING akong madilim ang paligid at hindi magalaw ang aking mga binti.
Where am I? Bakit ako nakatali? Bakit ako nakablind-fold? Bakit?!!
Isang makisig na bisig ang bumuhat sa'kin at dinala sa kung saan. Binaba ako sa malambot na kama saka kinuha ang blindfold ko.
Nagulat ako nang makita ang isang babaeng nakaupo sa isang silya.
"L-la?" Lumapit ito sa'kin at pinutol ang mga lubid na nakatali sa'kin.
"You two really provoked me." Disappointed niyang sambit.
"Ano 'to? Bakit ako nandito?! Lola?! Pakawalan mo ako! La!!" Sigaw ko kay Lola.
Umiling siya sa'kin saka tumungo sa pintuan. Dahan-dahang binuksan ang pinto.
"Walang kasal na magaganap,"sambit niya kasabay ng pagsara ng pinto.
Naiwan akong tulala at unti-unting tumulo ang mga luha ko.
Why can't I be happy? Why?!
Hindi ko na napansin kung gaano katagal akong umiiyak ng tahimik sa sulok. Iniisip kung ano na ang ginagawa ni Sir ngayon?
Hinahanap niya naba ako? Alam niya nabang nawawala ako?
Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip nang bumukas ang pinto at niluwa nito si Lola kasama ng isang lalaki may hawak ng iPad.
Malalim na huminga si Lola bago lumapit sa'kin.
"Kristine, please, understand me. I'm doing this for your sake. Kung nandito ang Ate mo, sigurado akong gagawin niya rin 'to," malumay na sambit ni Lola.
"Bakit, Lola? Bakit niyo ginagawa 'to? Ano bang kasalanan ko? Bakit nangyayare sa'kin 'to? Bakit?" nakatingin ako sa kawalanan habang hinahayaan ang mga luhang sunod-sunod na pumatak.
"Minsan naiisip kong masamang tao siguro ako dati kaya sa lifetime na'to pinaparusahan ako. Mula kay Mama, Ate hanggang sa'kin, bakit parang ang unfair ng tadhana sa'kin? Bakit parang sinasalo ko lahat ng mga masasamang bagay? Bakit?!" I burst out crying while saying those thoughts.
Matagal ko nang gustong itanong sa sarili ang mga iyon pero hindi ko matanong dahil wala akong mahanap na sagot.
"Kristine, makinig ka, wala kang kasalanan. Wala," niyakap niya ako saka nagpatuloy. "Kung meron mang may kasalanan dito, ako 'yon. Kasalanan ko ang lahat kaya ngayon, tinatama ko ang lahat sa paraang alam kong tama." Kumalas siya sa pagkakayakap at tiningnan ako.
"La..,"she wiped my tears and tried to calm me down. "La, ibalik mo na ako sa kanya, please?"pagmamakaawa ko sa kanya.
Mabilis na lumayo sa'kin at nag-iba ang emosyon nito sa mukha.
