31. Resign

399 25 4
                                    

"Ate, ano sa tingin mo? Ok na ba ito?" Masaya kong pinakita kay Ate ang natahi kong mga damit ng baby ko.

Excited na tiningnan ang gawa ko.

"Ang ganda. Kailan kapa natutong magtahi?" Puno ng paghanga na tanong ni Ate.

"N-nakita ko lang sa internet. S-sinunod ko l-lang." Mahina kong sambit sabay yuko. Hindi sumagot si Ate kaya inangat ko ang tingin ko sa kanya't nakitang nakatingin lang din siya sa'kin. Hinawi niya ang ilang hibla ng buhok ko at ngumiti sa'kin.

"Alam kong pinagbabawal mong gumamit ako ng social media dahil sa pwede kong mabasa pero promise, Ate, hindi ko iyon binuksan. Nanood lang talaga ako sa Youtube tapos wala na. Binalik ko na kaagad ang cellphone mo. Gusto ko lang kasing makagawa ng damit para sa baby ko. Walang-wala kasi akong maibibigay sa kanya." Napayuko kong sambit.

Wala na ata akong nagawang tama sa buhay ko.

"May tiwala ako sa'yo, Kinay, kaya sana magkaroon karin ng tiwala sa sarili mo." Napaangat na naman ulit ang tingin ko sa kanya. Naguguluhan akong tumingin sa kanya.

"A-anong ibig mong sabihin, Ate?"

"Alam mong hindi permanente ang buhay ng tao. Darating ang araw na gigising kang wala na ako kaya kailangan mong lumaban at magdesisyon para sa sarili mo. Kung dumating man ang araw na wala na ako, kayanin mo ang lahat. Kakayanin mo. Kinay, matalino kang bata. Alam mo ba kung ano lang ang kulang sayo?" Huminto siya sa pagsasalita't hinihintay ang magiging sagot ko. I shook my head as my response to her.

"Tapang. Takot kang harapin ang mga bagay na nasa harapan mo. Takot kang malaman ang totoo. Kung sa iba nangyare ito, marami silang itatanong. Marami silang gustong makuhang sagot pero ikaw, ni kahit isang tanong wala kang tinanong kasi natatakot ka sa magiging sagot. Natatakot ka sa katotohanan. Kinay, kailangan mong lumaban lalo na pag wala na ako." Napatayo ako sa sinabi ni Ate.

Hindi! Hindi totoo yan! H-hindi!!!

"Kinay, don't run from it. Face it. Hindi man magiging madali ang proseso pero magiging worth it ang lahat sa dulo. At kapag dumating kana sa dulo, isipin mo ako, na ginawa ko ang lahat ng ginawa ko para sa'yo. It may be a wrong deed when the time passed but for now, it is the only right thing to do."

Tumigil ka, Ate. Ayokong marinig ang mga sinasabi mo!

"Kinay, ipangako mo sa'kin na lalaban ka't kakayanin mo ang lahat. Ipangako mo, Kinay." She said as tears started to fall from her eyes.

Wag kang umiyak, Ate!

"A-ate... B-bakit ganyan yung pinags-sasabi mo? K-kinak-kabahan ako." Tumawa ako ng peke para matago ang kabang nararamdaman at ang katotohanang natamaan ako sa lahat ng mga sinabi ni Ate. Takot nga siguro talaga ako. Isa akong duwag sa katotohanan.

"Mangako ka, Kinay." Ulit ni Ate. Pinunasan niya ang mga luha niya't nahigpit na hinawakan ang mga kamay ko.

"Oo na. P-promise! Sandali lang, Ate ha. Nakalimutan kong dalhin yung gunting, tapos na ako dito. Guguntingin ko nalang yung mga natirang sinulid tapos kain na tayo ha. Gutom na ako saka si baby eh." Dahan-dahan akong tumayo at nagtungo sa kwarto ko.

Spoil Me, Sir ChristianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon