20. End

845 41 42
                                    

"Kinay!" Tawag sakin ni Ate.

"Ate? Andito kana pala. Akin na yung mga pinamili mo."

"Ako na. Aba! Magdahan-dahan ka naman. Kabuwanan mo"

"Nag-iingat naman po ako't inaalagaan ng mabuti tong baby ko"

"Dapat lang. Oh, iluluto ko na'tong napamili ko."

Hindi natuloy ang pagpapahulog sa bata kasi natakot ako't naawa para rito. Kung tutuusin, wala syang kasalanan.

Nasa isang nayon sa malayong probinsya kami dito sa Negros na ngayon nakatira ni Ate.

Mas makakabuti daw sa'kin ang magpakalayo-layo na muna sa lungsod.

Ilang araw or linggo nalang manganganak na ako. Sobrang excited ko sa magiging baby ko.

Pero di ko parin maiwasang hindi isipan na sa baby ko malalaman kung ano ba ang mukha ng tatay nya. Papaano kung sa kanya talaga ito nagmana? Kakayanin ko ba iyon? Ang araw-araw na makita ang mukha ng taong gumahasa sakin?

"Kinay, sinabi ko naman sayo na walang kasalanan ang bata. Kung hindi mo kaya oh sige, ipaampon natin." Suhestiyon ni Ate.

"Hindi. Baby ko'to kaya ako mag-aalaga sa kanya. Kakayanin ko." Habang hinihimas ang malaking tyan.

"Alam kong kakayanin mo."

Lumipas ang mga araw at dumating na nga ang araw ng panganganak ko.

"Aaaaaaaaaattteeeee!!!" Sigaw ko.

Pinagpapawisan na ako ng malamig.

"Araaaayyyy! Attteeeeee!" Sigaw ko ulit. Sobrang sakit na ng tyan ko.

"Aaaaaatttttteeee!"

Pumutok na ang aking palatubigan.

Maya-maya ay dumating si Ate na may kasamang tricycle. Dinala ako sa pinakamalapit na hospital sa nayon na iyon.

Everything turned into blurry visions.

Lahat mabibilis ang kilos na dinaluhan ako't isinugod sa Delivery Room.

"Ate??" Tanong ko pagkagising ko.

"Gising kana. May kailangan kaba? May masakit ba sayo?"

"Ate? Baby ko? Nasan na?"

Nanghihinang tiningnan nya ako't pumatak ang kanyang mga luha. Napaluha narin ako dahil sa biglang pumasok sa isip ko.

HINDI! HINDI PWEDE!!!

MY BABY! OH! MY BABY!

"Wala na yung baby mo."

"Ha?" Hindi parin matanggap ang nangyare.

"Anong wala? Anong ibig mong sabihin?!! Ate! Yung baby ko! Baby!!!!!" Nagwawalang sambit ko.

Pinilit kong bumangon pero pinigilan nya ako.

"Kinay, kumalma ka. Makakasama iyan sayo. Kinay."

"YUNG BABY KO!!! ATE!!! YUNG BABY KO!!! BABY!!!!!! OMYGOD!! NO!!! NO!!! MY BABY!!!!!" sigaw ko sa mga bisig ni Ate.

Yung baby ko. Bakit?! Bakit!!!???

I was raped.

I got pregnant.

I lost my baby.

Is this some kind of cursed to me? To suffer this much?!

May darating pa ba? May pagsubok paba? Kasi kung meron pa, agahan nya na yung pagdating dahil ngayon ay susuko na ako.

Spoil Me, Sir ChristianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon