"Ma'am, tama na po yan. Matamis lang yan sa una pero malakas po yung sipa nyan. Malalasing po kayo nyan mamaya."
Psshhh!
Lahat naman ata pagnasobrahan sa pag-inom, malalasing eh!
Pauso to si Kuya!
"Go away!" Pagtataboy ko sa kanya.
Huminga lang sya ng malalim at iniwan na ako.
Kanina pa ako dito sa bar ng hotel kung saan ginanap ang Exhibit ni Jerry.
Matapos ng pag-uusap namin ni Veronica, pumunta na ako dito. Gusto ko lang talagang magpakalasing.
Napangiwi ako nang maramdaman ang aftertaste ng alak na iniinom ko. Tama nga si Kuya, matamis lang sa una pero malakas ang sipa.
Kinapa ko ang cellphone ko at tinawagan si Sir.
Gusto ko siyang makita at yakapin nang mahigpit.
Grabe sila kay Sir! Mga walang puso! Pinagkaisahan nila si Sir!
Lumaki akong walang mga magulang pero ni kahit kailan, hindi ko naranasan ang pagmalupitan or maging malungkot dahil pinaramdam nila sakin na lagi silang nandyan lalo na si Ate. Ni kahit kailan hindi ko naramdaman na kulang ako kasi sobra-sobrang pagmamahal at pag-aaruga ang ibinigay nya sa'kin pero si Sir?
Hindi ko lubos maisip kung ano pang mga paghihirap ang naranasan nya sa kamay ng pamilya nya't mga kaibigan pero sana... Sana tumigil na.
Isang lagok pa ng inuman at binaba na ang cellphone.
Hindi sumasagot si Sir kaya nagtext nalang ako.
'Ayoko na dito. Sunduin mo na ako'
Yun lang at tinago na ang cellphone. Nag-order pa ako ng inumin hanggang sa hindi ko napansin na nalalasing na nga ako't hindi na makatayo.
"Ma'am!" Sigaw ng Kuya kanina nang sinubukan kong tumayo't muntik nang matumba. Buti nalang ay mabilis nya akong sinalo.
"Sabi ko naman sa inyo eh!" Habang inaalalayan ako.
Wala na akong masyadong makita't marinig pero alam kung naglalakad kami patungo sa kung saan.
"Bea, room nga para dito." Rinig kong sambit ng Kuya.
"Oh. Heto! Naku! Siguraduhin mo lang na magbabayad yan ha!"
"Aba! Edi wag nating paalisin kung hindi magbayad!"
Kinuhaan pala nya ako ng kwarto sa hotel na'to.
Kinuha ko ang card at mabilis na pinigilan si Kuya.
"Ako na. Kaya ko." Sambit ko't nagsimula nang maglakad papuntang elevator.
Patumba-tumba man ay nakakaya ko paring maglakad.
Room 296 ako kaya second floor ang pinindot ko.
Tamang-tama naman kasi malapit lang sa elevator yung kwartong binigay sa akin
Binuksan ko iyon sa pamamagitan ng pagswipe ng card at kusa iyong bumukas.
Hindi ko na binuksan ang ilaw. Ilaw mula sa buwan ang nagsilbing liwanag sa buong kwarto na unti-unting natatakpan ng mabibigat na ulap na nagbabadya ng pag-ulan.
Hila-hila ang lasing na katawang nagtungo sa kama't humiga.
Sa pagpatak ng ulan ay siya ring tuluyang pagdilim ng kwarto't pagpikit ko.
Hindi ko namalayan ang oras. Nagising nalang ako nang may maramdamang paglubog sa kamang hinihigaan at mumunting paghalik sa aking leeg.
Umuulan parin sa labas at madilim ang buong kwarto.
