36. Legally

386 26 2
                                    

"Kinay?" Pukaw ng atensyon sa'kin ni Kuya Miguel.

"Sor. Ano nga ulit 'yon?"tanong ko sa kanya't isa-isang tiningnan ang mga kasama ko.

Si Lola, Kuya Miguel at Kuya Ian. Nasa isang lamesa kami't kumakain ng hapunan.

"Ba't ka nagpatawag ng ganito?" tukoy niya sa dinner namin. "May sasabihin kaba?" dugtong niya.

"Wala naman." Ngumiti ako sa kanya, "celebration natin 'to dahil nahanap ko na si Hans. At gusto kong sabihin na hinahanap ko rin si Papa."

Isang malakas na pagbagsak ng kutsara ni Kuya Miguel ang narinig ko't nasundan ng baso ni Lola na nahulog at nabasag sa sahig.

I observed their reactions, they all looked tense and shaken.

"A-anong ibig mong sabihin, Kinay?" tanong ni Kuya Ian.

"For w-what? That man, he's dead."sambit ni Lola, nanginginig ang boses nito't nakakuyom ang mga kamao.

"Pero Lola, wala akong nakikitang death certificate niya kaya malaki ang possibility na buhay pa siya. Kailangan siyang makilala ng anak ko." sagot ko kay Lola.

"That manmaybee dead somewhere or vanished whatsoever! Just stop looking for him!"bahagyang tumaas ang boses ni Lola, tumayo ito't tinapon ang table napkin na ginamit sa lamesa.

"I just lost my appetite!" may halong disappointment sa boses nito. Tumalikod na't nagsimulang maglakad paalis nang magsalita ulit ako.

"No! Hahanapin ko siya hangga't hindi niyo sinasabi kung bakit hindi ko pwedeng makilala o makita man lang si Papa!" Hindi ko napigilang hindi tumaas ang boses ko.

Tumigil sa paglalalakad si Lola't hinarap ako.

"This will be my last warning to you, Kristine, stop what you're doing now. Nahanap mo na ang anak mo. Be contented with that. Don't add burden to this family." Matitigas ang pagbigkas niya sa mga salita na para bang gusto niyang intindihin ko ang bawat isang salitang sinasabi niya.

Tumalikod na siya't tuluyang umalis.

Hindi kalaunan ay tumayo narin sila Kuya't nagpaalam na aalis na. Bago pa man tuluyang umalis ay nagbilin sila sa'kin.

"Kinay, makinig ka kay Lola. Alam kong may hindi kayo pagkakaintindihan pero sa ngayon, makinig ka sa kanya. H'wag mo nang hanapin ang taong 'yon." He patted my shoulder and kissed my forehead.

"Makinig ka sa'min, Kinay. Rather than looking for him, why not take your time being with your son? Create memories with him." Kuya Ian said, he hugged me tightly and kissed my forehead too.

KINABUKASAN, tinawagan ko si Trisha para sabihing ihinto na ang paghahanap kay Papa.

"New Bilibid Prison? Anong ginagawa niya d'on?" takang tanong ko. Inayos ko nang bahagya ang damit na kakasuot lang. Kakatapos ko lang maligo't nag-aayos na para sa breakfast namin.

Nalaman na pala ni Trisha kung nasaan si Papa. Nasa isang kulungan daw ito sa Muntilupa.

"Yun lang yung alam ko. Nakausap ko lang kasi yung kaibigan kong Attorney, isa daw ang Papa mo sa mga kasama sa selda ng bago niyang kliyente. Wala din daw siyang makuhang documents tungkol sa papa mo." Pahayag ni Trisha sa kabilang linya.

"Di bale, kung nand'on talaga siya, pupuntahan ko nalang para..." Hindi na natapos ang sasabihin ko nang may humila ng cellphone ko't isang malakas na sampal ang dumapo sa'king pisngi.

"I already warned you, Kristine!" galit na sigaw ni Lola. Tinapon niya ang cellphone ko dahilan para mabasag ito't kumalat ang mga piraso sa sahig.

Spoil Me, Sir ChristianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon