CHAPTER 003:

3.5K 103 0
                                    

|ZERI SHIRASE POV|

"Oh My God!"

Sabay kaming napatingin ni Zero kay Zera na pulang pula ang mukha at parang kiti-kiting hindi mapakali

Kasalukuyan itong palapit sa amin.

"Anong nangyari sayo? Tsaka bakit ang tagal mo?" Tanong ni Zero ng tuluyan siyang makalapit sa amin

Inilapag niya ang mga librong dala sa lamesa.

"Hindi kayo maniniwala, may nakabungguan akong anghel kanina!" Bigla niyang tili kaya napatakip kami ni Zero sa tenga

Bago ko makalimutan. Hindi mahinhin si Zera 'pag kami kami lang.

Madalas rin ay mas matanda pa siya kung umasta kaysa kay Zero.

Si Zero ang masasabing panganay sa amin dahil siya ang unang inilabas at ako naman ang panghuli.

"Lower down your voice zera." Sabi ni Zero kaya nag-peace sign ito

"Lumapit ka sa akin, Zera." Sabi ko naman

"Huh? Bakit? Anong gagawin mo sa akin?" Tanong niya

"Sasapakin ka, Tulog ka pa 'ata eh, WALANG ANGHEL dito." Sagot ko kaya napabusangot siya

Demonyo pa pwede. Tss.

"Alam ko! I mean may gwapo akong nakabungguan kanina tapos ang bango niya pa at mukhang mabait." Kinikilig niyang sabi kaya napailing nalang ako.

Lalaki lang pala.

Nagsimula siyang magkwento at dahil wala akong interes sa lalaking sinasabi niya ay binuklat ko nalang ang librong dala niya at sinimulang sagutan ang assignment ko

Kasalukuyan kasi kaming nasa Garden  ngayon. Dahil absent ako ng dalawang linggo kailangan kong habulin ang mga napag-aralan na noong wala ako.

Pareho naman kaming tatlo ng strand. Humss, but before ay Stem kami. We changed strand without a reason. Trip lang namin.

But there still difference between us, and it's our section. Mag-kaklase dapat kaming tatlo sa section 1 pero dahil sa ginawa ko no'ng first day of school ay inilipat ako sa last section.

Nag-protesta kasi ang mga kaklase namin na ilipat ako, tss. As if naman na may pake ako.

By the way, wala ang first subject teacher nila at gano'n rin ang sa akin dahil may meeting ang mga ito.

Kaya ngayon ay magpapatulong ako sa dalawang 'to na sagutan ang assignment ko pero dahil busy na sila sa pagkwe-kwentuhan. Ako rin ang gumawa mag-isa.

Hindi naman ako bobo. Matalino ako just like them.

Isa pa, I need to take studying seriously kung ayaw kong mapag-iwanan. Kaya ito, kahit palagi akong nasasangkot sa gulo ay nag-aaral naman ako ng mabuti.

"Basta! Ang cute niya, Crush ko na siya." Kumikinang ang matang sabi ni Zera kaya pumilas ako ng papel sa aking notebook tsaka iyon nilukot at ibinato sa kanya

"Zeri! Bakit mo ko binato?" Nakasimangot niyang baling sa akin

"Masyado ka kasing maingay." Simple kong sagot tsaka isinara ang libro at inihagis sa kanya

At dahil hindi siya marunong sumalo tumama 'yon sa kanyang ulo.

"Waaahhh! Ang sama mo talaga, Zeri!" Ngawa niya kaya napangisi ako tsaka inihagis ang isa pang libro kay Zero na agad rin namang tumama sa ulo nito.

"Bakit pati ako Zeri? Nakikinig lang naman ako sa kwento niya eh, inosente ako. Nadamay lang." Nakanguso niyang sabi

"Wala akong pake, para 'yan sa hindi niyo pagtulong sa akin." Sambit ko tsaka kinuha ang bag ko sa damuhan at tumayo

The Heartless Queen (𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon