CHAPTER 015:

2.3K 96 3
                                    

|YUDOS GALE POV|

NAPABUNTONG hininga ako habang mahinang tina-tap ang ballpen ko sa ibabaw ng aking lamesa

Kasalukuyan akong nasa student councils office at hinihintay ang pag-dating ni Zeri.

Ipinasundo ko siya kayla Marvin dahil alam kong wala na naman siyang balak na sundin ang sinabi ko.

Hinilot ko ang sentido. "Are you like this to everyone?"

Umiling ako. When I said 'yes' earlier it's actually a lie.

I'm not like that to everyone.

I don't know why, but there's a part of me that cannot ignore her.

"I'm crazy," Bumuga ako ng marahas na hangin

That girl is such a pain in the ass, but can't deny that she's kinda amazing.

She managed to beat Kevin and his friends which is unbelievable.

Napatayo ako ng bumukas ang pintuan ng aming opisina at iluwa sila Marvin.

Kumunot ang noo ko ng hindi makita si Zeri na kasama ng mga ito.

"Where is she? Bakit hindi niyo siya kasama?" Tanong ko

Nagkatinginan naman sila tsaka kumamot sa kanilang batok bago sumagot

"Tinakasan niya kami, President Gale." Sagot ni Aya kaya kumunot ang noo ko tsaka hinilot ang aking sentido

"I see, You can go now."

Nang mawala sila sa paningin ko ay iritado kong ginulo ang buhok.

Ano bang problema ng Hard-headed na 'yon? Tsk! Sinabi ng pumunta siya dito eh!

Salubong ang kilay na lumabas ako sa SC OFFICE.

Kailangan kong hanapin ang babaeng 'yon dahil marami na siyang nalabag na rules, she need to be punish.

Napabuntong hininga ako ng hindi ko siya mahanap.

Halos malibot ko na ang buong Rische University pero hanggang ngayon hindi ko pa rin siya nakikita

Nasaan kaya ang babaeng 'yon?

Inis kong kinamot ang kilay tsaka nag-simulang lumakad papunta sa likuran ng University.

Ayun nalang kasi ang hindi ko pa napupuntahan, sana naman naroon na ang pasaway na 'yon.

Nang makarating ay agad kong inilibot ang paningin sa paligid, masyadong tahimik at mapuno sa lugar na 'to. Magandang tambayan lalo na paggusto mo ng tahimik na lugar.

Wala akong Zeri na nakita kaya napailing nalang ako tsaka umupo sa lilim ng isang puno at pumikit.

Bakit ba ngayon lang ako napadpad rito?

Kasabay ng pagpikit ko ay ang paglitaw ng imahe ni Zera sa isip ko kaya wala sa sarili na napangiti ako.

I want to tell her my feelings, But I'm scared na baka hindi niya ako magustuhan.

Am i a coward because of that? Well, I guess i am.

*CLICK*

Agad akong napadilat ng makarinig ng tunog ng kung ano mula sa harapan ko at nanlaki ang mata ko ng makita si Zeri na nakatayo sa harapan ko habang hawak ang kanyang cellphone at mukhang KINUHANAN AKO NG LITRATO

"Ah shit, I forgot to silent it." Aniya pero sa blangko niyang expression ay hindi ko alam kung may pakialam ba talaga siya kahit mahuli ko

"Nice, Not bad." Aniya pa habang nakatingin sa cellphone

The Heartless Queen (𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon