|YUDOS GALE POV|
NAPABUNTONG hininga ako tsaka ngumisi.
Sinong mag-aakala na magiging kaklase ko siya? Kung siniswerte ka nga naman talaga oh.
"Sorry kung natagalan ako." Ani Zera na kalalabas lang ng cr
"It's okay, let's go?" Sabi ko kaya tumango siya
Hinawakan ko ang kamay niya kaya napatingin siya sa akin
"May i?" Tanong ko kaya namumula siyang tumango
Ngumiti naman ako tsaka kami sabay na naglakad papunta ng Cafeteria
Habang palapit ng Cafeteria ay rinig na rinig namin ang sigawan ng mga estudyante at ang pagkabasag ng kung ano man.
Mas binilisan ko pa ang lakad ko at ng makapasok ng Cafeteria ay napasinghap ako ng bumungad sa akin ang tatlong lalaki na nakadapa sa sahig habang inaapakan ni Gold ang likod ng isa sa tatlong lalaki at nakatutok ang tinidor na hawak niya sa leeg nito.
"You messed with a wrong girl, Jerk." Nakangisi niyang sabi rito
"Ms.Gold!" Malamig kong tawag rito kaya napatingin ito sa gawi ko
"Oh? Ikaw na naman?" Aniya tsaka umayos ng tayo at itinapon sa kung saan ang tinidor na kanyang hawak
Agad na tumayo ang tatlong lalaki na binugbog niya at iika-ikang tumakbo palabas ng Cafeteria
"Bago ka palang dito pero gumagawa ka na agad ng gulo." Seryoso kong sabi kaya napatawa ito tsaka naglakad palapit sa akin
"Ano naman ngayon sa'yo? Sino ka ba dito ha?" Naging maangas ang pananalita niya kaya kumunot ang noo ko
"I'm the Student council president of Rische Universit—"
"Okay, okay, President huh? Well i don't care. Because for me, you're just a kid who can't do anything except from crying." Mapanuyang aniya bago ako binangga sa balikat at lumabas ng Cafeteria
Agad namang sumunod sa kanya 'yong lalaking kasama niya na si Light pero bago 'yon ay nginisihan pa muna ako nito.
"Are you okay Gale?" Nag-aalalang tanong ni Zera kaya pilit akong ngumiti tsaka tumango
"Clean this mess." Utos ko sa mga estudyante na nakatingin sa amin.
Agad namang nagsikilos ang mga ito at dinampot ang mga nabasag na plato
"Wait me here, Zera. O-order lang ako." Sabi ko kay Zera kaya tumango nalang siya tsaka umupo sa isang bakanteng upuan
Dumiretso naman ako sa counter habang palihim na ikinuyom ang kamao ko.
I'll make you pay for toying with me soon Gold.
I gritted my teeth.
Matapos mag-order ay agad na rin akong bumalik sa table namin ni Zera nang biglang umupo si Bryle sa tabi ko
"Anong nangyari dre? Narinig kong nagkasagutan kayo ni Gold ah, 'yong bago nating kaklase." Ani Bryle
And yeah, that bitch is my classmates gano'n rin si Light.
"It's nothing," Tipid kong sagot
Ayokong pag-usapan ang tungkol sa babaeng 'yon. Umiinit lang ang ulo ko.
"Eh?" Hindi ko nalang siya pinansin
"Where's Dylan again?" Pag-iiba ko ng usapan dahil kanina ko pa ito hindi nakikita
"I don't know, but I am sure he have a problem. When I asked him he didn't answer me though." Sagot niya tsaka bumaling kay Zera
"Pa-share ng table Ms.Zera ah."
BINABASA MO ANG
The Heartless Queen (𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗)
Action𝘼𝘾𝙊𝙎𝙏𝘼 𝘽𝙇𝙊𝙊𝘿 𝙎𝙀𝙍𝙄𝙀𝙎 #3 THE HEARTLESS QUEEN Matapos malaman na pinatay ang kan'yang kuya Casper ay bigla na lamang nawala si Zeri at kung saan ito pumunta ay walang nakakaalam. *** Gabi at umuulan nang bumalik si Zeri sa kanilang bah...