PREVIOUS TITLE: 𝐓𝐇𝐄 𝐂𝐀𝐌𝐏𝐔𝐒 𝐃𝐄𝐕𝐈𝐋.❌UNEDITED❌
_______PROLOGUE
"Kailan po ba dito uuwi si Zeri, Mom? Ang tagal na po namin siyang hindi nakikita."
Dawn sighed dahil sa naging tanong ni Zero at Zera na ngayon ay labing tatlong taon na gulang na.
"Bakit po hindi siya sa amin tumatawag? Ayaw po ba sa atin ni Zeri, Mom?"
"Kaya nga po, matapos mamatay ni kuya casper ay sumama na si Zeri kay tito Sayron sa ibang bansa."
Muling sabi ng mga ito.
"Wala kasing signal sa lugar kung saan nakatira ang tito Sayron niyo. Kaya hindi nakakatawag si Zeri, pero hindi ba't sumusulat naman siya?" Sagot ni Zior sa tanong ng dalawang anak
"Isa pa, syempre gusto tayong makasama ni Zeri."
"Pero bakit sumama po siya kay tito Sayron? Bakit po doon siya tumira? eh nandito naman tayo. Bakit umalis pa po siya?"
Napakamot sa ulo si Zior.
Malaki na ang mga anak kaya mahirap ng mag-sinungaling sa mga ito.
"Busy pa kasi sa pag-aaral si Zeri doon, hindi pa siya pwedeng umuwi dito kasi nag-i-school pa siya. But don't worry uuwi rin siya dito pag-tapos ng pag-aaral niya doon. Okay ba iyon?"
Nag-katinginan ang anak tsaka sabay na tumango.
"Promise po 'yan dad ha? Uuwi rito si Zeri 'pag tapos ng pasukan." Sambit ni Zero
"Oo naman,"
"Yehey! 2 weeks nalang po matatapos na ang pasukan. Excited na po akong makita si Zeri."
Napaubo si Zior dahil sa sinabi ni Zera.
"T-two weeks nalang? Sure ka ba dyan anak?" Paninigurado nito
"Opo, Dad. Kaya po makikita na namin siya."
Napailing si Dawn.
"Stop talking about her, gabi na. Pumunta na kayo sa kwarto niyo." Singit niya sa usapan ng mga ito.
"Opo, mom. Goodnight po."
Humalik ang dalawa sa kanilang pisnge bago lumabas at pumunta sa sariling silid.
"P-paano 'yan coolybab? Nag-promise ako sa kanila pero hindi pa natin nahahanap si Zeri. Aish! Bakit ba kasi ang aga 'ata natapos ng school yea—"
"Hindi maaga natapos Zior, hindi ka lang talaga tumitingin sa kalendaryo kaya hindi mo alam na dalawang linggo nalang at tapos na ang klase." Putol niya sa sinasabi nito
BINABASA MO ANG
The Heartless Queen (𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗)
حركة (أكشن)𝘼𝘾𝙊𝙎𝙏𝘼 𝘽𝙇𝙊𝙊𝘿 𝙎𝙀𝙍𝙄𝙀𝙎 #3 THE HEARTLESS QUEEN Matapos malaman na pinatay ang kan'yang kuya Casper ay bigla na lamang nawala si Zeri at kung saan ito pumunta ay walang nakakaalam. *** Gabi at umuulan nang bumalik si Zeri sa kanilang bah...