CHAPTER 038:

2K 70 0
                                    

|THIRD PERSON POV|

'Meet me at the rooftop after our morning class.' Basa ni Yudos sa Text na galing kay Gold

'Okay.' Reply niya tsaka itinago ang kan'yang cellphone at ngumisi

Sa tingin niya ito na ang tamang panahon para patayin niya ito ng walang nakakaalam.

"Pst! Mukhang Good Mood ka ngayon dre ah." Ani Bryle matapos umupo sa kan'yang tabi

"Am i?" Ngiti niyang sabi kaya binatukan siya nito

Ang totoo sobrang saya niya ngayon dahil ang babaeng minahal niya noon ay si Zeri pala.

That's also the reason why he wanted to end all of this now. So, he can focus on Zeri

Humalumbaba siya tsaka tumingin sa orasan.

Gustong-gusto niya ng makita si Zeri dahil marami siyang gustong itanong dito. Kagaya ng bakit ito biglang lumipat ng tirahan at bakit hindi nito sinabi sa kan'ya agad na ito ang batang babae na nakilala niya 12 years ago

Lumipas ang ilang oras at sa wakas ay natapos na rin ang klase nila.

Sinenyasan siya ni Gold na sumunod rito kaya naman tumango nalang siya bago lumabas sa kanilang classroom

Habang naglalakad papunta ng rooftop ay nakita niya si Zeri na papasok ng Garden kaya naman agad niya itong sinundan.

Maaga siyang pumasok kanina para sana makausap ito pero late naman itong pumasok kaya hindi sila nakapag-usap.

"Zer—" Natigilan siya sa akmang pag-tawag rito ng makita niyang magkalapat ang labi nito at ni Keaton na siyang pinuntahan nito sa Garden

Nagtama ang paningin nilang dalawa kaya naman agad siyang tumalikod at mabibigat ang hakbang na lumakad palayo sa mga ito.

Ang akala niya ay hahabulin siya nito para magpaliwanag pero nagkamali siya dahil walang Zeri na sumunod sa kan'ya.

Nasasaktan siya ngayonbat gusto niyang sumabog pero wala naman siyang karapatan para magalit.

Dahil mukhang siya lang naman ang nagmamahal sa kanilang dalawa.

How stupid of him to think that Zeri really care for him.

He's stupid to think na kahit papaano ay espesyal siya para rito.

.
.

"Why did you do that?" Malamig na tanong ni Zeri kay Keaton kaya napayuko ito

"I-is not it obvious? I LIKE YOU ZERI. No, I already LOVE YOU." Sagot nito tsaka nag-angat ng tingin

"I'm sorry Keaton, but I don't feel the same way like you do." Sambit niya

She considered him as her friend, nothing more, nothing less.

"Alam ko. Sinabi ko lang sa'yo ang nararamdaman ko dahil hindi ko na kaya pang itago eh." Malungkot itong ngumiti "Hindi ko rin hinihiling na mahalin mo ako pabalik kasi mahalin mo man ako o hindi ay mamahalin pa rin kita." Patuloy pa nito

Iniwas niya naman ang tingin rito.

Hindi dapat siya makaramdam ng kahit na anong emosyon sa panahon at oras na iyon but yeah, she felt guilty for those friends of her who fell for her.

Hindi niya magawang suklian ang nararamdaman ng mga ito.

She gave them false hope by doing things that will make them think that they are special for her. But whether you believe it or not, she didn't mean it.

She just wanted to show them her sincerity. But stupid her, sa dami-dami ng pwede niyang hindi matutunan ay ang tungkol pa sa pagmamahal.

Hindi niya akalain na ang kan'yang aksyon ay magiging dahilan para mapaasa niya ang mga ito.

The Heartless Queen (𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon