|YUDOS GALE POV|
"Uhmm, H-hi?" Nahihiya kong sabi
Kumurap naman siya.
"H-hello." Utal na sambit niya kaya napangiti ako
Hindi kaya na-love at first sight rin siya sa akin?
I'll be the most happiest man in the world if that's the case.
"Upo ka." Mabilis akong tumayo at hinatak ang upuan na nasa tabi ko para makaupo siya
"S-salamat." Namumula niyang sabi.
Cute.
"Anong gusto mong kainin? Libre k—"
"Ehem!" Pekeng ubo nila Dylan habang nakangising nakatingin sa akin
"May pupuntahan pala kami ni Bryle, Tara na dre." Baling nito kay Bryle na palihim akong binigyan ng thumbs up bago sila ngingisi ngising lumakad umalis
Masyado ba akong obvious?
"Uhmm, May pupuntahan rin pala ako." Sabi rin ni Zero tsaka tumayo
"I'll go with yo—"
"Dito ka muna Zera, Samahan mo si Gale." Putol ni Zero sa sasabihin ni Zera kaya natigilan ito
"Please take care of her," Baling sa akin ni Zero
"I will, don't worry."
Ngumiti siya bago tuluyang umalis.
Nang kami nalang ang naiwan sa table namin ay namayani ang katahimikan sa pagitan namin hanggang sa dumating ang inorder namin.
Ano bang dapat kong sabihin para maalis 'tong awkward na bumabalot sa amin?
"Uhmm, Kamusta naman ang pag-aaral mo dito sa R.U? Wala bang nambubully sayo?" Pagbasag ko sa katahimikan
"A-ayos naman, ang totoo gustong gusto ko rito kasi mababait ang mga tao rito." Sagot niya kaya napangiti ako
Mukhang gustong gusto niya talaga rito.
"That's good to hear, If someone try to bully you just tell me and I'll punish them." Sambit ko
"A-ah, sure. Thank you." Sabi niya tsaka yumuko
Magsasalita pa sana ako pero hindi iyon natuloy ng tumunog ang cellphone niya.
"E-excuse me, I'll just answer this." Sabi niya kaya tumango ako
"Sure, take your time."
Agad naman siyang tumayo at bahagyang lumayo sa akin.
Nakita ko kung paano ito mapakagat sa ibabang bahagi ng labi at mapakamot sa kanyang kilay.
I wonder kung sino 'yong kausap niya.
Nang matapos silang mag-usap ng tumawag sa kanya ay agad siyang lumapit sa akin
"Pasensya na Gale, Kailangan ko ng umalis. May pupuntahan pa kasi ako, by the way salamat sa paglibre sa akin." Sambit niya
"Sure, do you want me to accompany yo—"
"H-hindi na, kaya ko na. Salamat nalang," Mabilis na tanggi niya
"Okay, then see you later at class."
Tumango siya bago yumuko at lumabas ng cafeteria.
Napahilamos ako sa aking mukha.
I'm sure may kinalaman ang pag-alis niya sa tuwag sa kanya.
Tsk! Sino naman kaya ang paepal na iyon?
Kung hindi lang pangit tingnan ay susundan ko siya para malaman kung sino ito, but nevermind. I want to respect her space.
![](https://img.wattpad.com/cover/209179583-288-k466912.jpg)
BINABASA MO ANG
The Heartless Queen (𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗)
Acción𝘼𝘾𝙊𝙎𝙏𝘼 𝘽𝙇𝙊𝙊𝘿 𝙎𝙀𝙍𝙄𝙀𝙎 #3 THE HEARTLESS QUEEN Matapos malaman na pinatay ang kan'yang kuya Casper ay bigla na lamang nawala si Zeri at kung saan ito pumunta ay walang nakakaalam. *** Gabi at umuulan nang bumalik si Zeri sa kanilang bah...