CHAPTER 025:

2.1K 76 0
                                    

|THIRD PERSON POV|

NAG-SIMULANG tumugtog ang isang kanta habang naglalakad palapit si Yudos kay Zera na ngayon ay hindi makapaniwala sa nangyayari.

Huminto si Yudos sa harapan nito tsaka masuyong kinuha ang kamay nito.

Yumuko ito at tumitig sa kamay ng dalaga.

Halatang nahihiya pa rin ang dalawa sa isa't-isa.

"I apologize for putting you in this awkward situation but I can't just stop myself anymore from wanting you. I can't stop my feelings for you anymore." Nag-angat ng tingin si Yudos upang titigan si Zera na hindi alam kung anong dapat niyang sabihin

"Since the first time i met you, I already fell inlove with you, Zera. Ito ang unang beses na naramdaman ko 'to sa isang babae. Gusto kita Zera, I mean Mmhal na kita. Kung hindi mo mamasamain pwede ba kitang ligawan?" Sincerely na ani Yudos

Mababakas ang gulat sa mukha ni Zera dahil sa mga sinabi ni Yudos.

Hindi niya akalain na pareho pala sila ng nararamdaman.

"A-ang totoo gusto rin kita Gale..." Yumuko si Zera at kinagat ang ibabang bahagi ng labi "Kaya, oo. Pumapayag ako." Ngumiti ito ng malaki kaya nanlaki ang mata ni Yudos tsaka tumalon sa tumawa

"Yes!" Parang bata nitong sabi tsaka niyakap ang dalaga

"Ayieeehh!!"

"Congratulation, Mr. President and Ms.Zera."

"Yieehh! Bagay talaga kayong dalawa."

"Kiss! Kiss! Kiss!"

"G-guys naman," Namumulang ani Zera kaya napangiti si Yudos tsaka ito hinalikan sa noo

"I promised that I will love you with all my heart and i will never hurt you," Ani Yudos at sa hindi inaasahang pagkakataon ay nadako ang tingin niya sa isang tao na nakatayo hindi kalayuan sa pwesto nila

Walang expression at emosyon ang mukha at mata nito habang diretsong nakatingin sa kanila.

Palagi naman na gano'n ang reaksyon nito pero iba ngayon. Her stares makes him nervous.

"Z-zeri." Mahinang aniya ng tumalikod ang babae matapos magtama ng paningin nila

"May sinabi ka ba Gale?" Tanong ni Zera kaya umiling siya

"Halika, may inihanda kaming pagkain para sayo." Pag-iiba niya ng usapan tsaka inaya si Zera

.
.

"Hindi ko akalain na may gusto pala si Gale kay Zera." Ani Pierce habang naglalakad sila ni Zera papunta sa plaza

Gusto niya itong i-pasyal sa magandang lugar dahil date nila ngayon pero nag-suggest ito na sa plaza nalang sila mag-date.

"Ayos ka lang ba? Kanina ka pa tahimik eh." Nag-aalala niyang tanong dito dahil kanina pa ito tahimik at diretso lang ang tingin sa daan

"Someone is watching us." Biglang sabi nito kaya natigilan si Pierce tsaka luminga-linga sa paligid

"Wala naman ah?" Taka aniya ng makitang wala namang nagmamasid sa kanila

"Tss, He's hiding." Ismid na sagot ni Zeri tsaka siya hinawakan sa kamay dahilan para mapatingin siya roon

Agad na nag-init ang kanyang pisnge dahil sa lambot ng kamay ni Zeri.

Masyado rin kasing magkadikit ang balat nilang dalawa

Hinatak siya nito paupo sa isang bench tsaka ito tumingin sa kanya

"There's a person that were hiding behind that tree," Sabi nito tsaka pasimpleng itinuro ang puno na sampung hakbang ang layo sa kanila

The Heartless Queen (𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon