|THIRD PERSON POV|
LAHAT ng humarang sa daraanan ni Zeri ay walang habas niyang pinuputulan ng mga ulo.
Hindi niya man lang binibigyan ng pagkakataon ang mga ito upang makalabit ang gatilyo ng kanilang mga baril.
Sa madaling salita, it's a one sided fight. Hindi man lang makaatake pabalik ang mga kalaban niya.
*BANG*
Napatingin si Zeri sa kan'yang braso na nadaplisan ng bala.
Nang lingunin niya ang pinagmulan ng bala ay napangisi siya ng makita ang isang lalaki na nanginginig sa takot dahil sa nakakakilabot na tingin niya dito.
"H-huwag kang l-lalapit! Ipuputok ko ulit 'to." Nauutal na sabi nito habang umaatras palayo sa kan'ya
"Edi iputok mo," Halos lumuwa ang mata nito nang sa isang iglap lang ay nasa tabi na siya nito
Ang kan'yang katana at nakatapat na sa leeg nito
At bago pa nito maitapat sa kan'ya ang baril ay humiwalay na ang ulo nito sa kan'yang katawan.
"Tss, weaklings." Ismid ni Zeri tsaka tiningnan ang braso niyang nag-durugo
She enjoyed killing earlier that's why she didn't notice the guy.
Dinampot niya ang baril ng lalaki tsaka siya nag-patuloy sa paglalakad.
"Zeri," Napatigil si Zeri sa paglalakad ng makasalubong niya ang ama kasama si North at Pierce
"I-i'm sorry zer—"
"I don't want to hear those words from you Pierce." Pagpuputol ni Zeri sa sasabihin nito dahilan para mapayuko ito
"Because you did nothing wrong." Dagdag pa ni Zeri tsaka ginulo ang buhok ng lalaki na hindi alam kung paano magre-react
Akala nito ay galit siya rito.
"Umalis na kayo dito dad," Baling ni Zeri sa ama
"Paano ka?" Tanong nito
"May tatapusin pa ako," Sagot niya
"Sasama ako sayo Zeri, pakiusap. Gusto kong bumawi sa lahat ng pagkakamaling nagawa ko." Ani Pierce kaya umiling si Zeri tsaka binaril ang mga kalaban na papaputukan na dapat sila
"I don't need your help, Pierce. I can end this. Isa pa, hinihintay ka pa ng mga kaibigan natin. Protektahan mo nalang sila, at sabihin ang totoo. Ayon nalang ang gawin mo." Ngumiti siya kaya natigilan si Pierce at hindi na napigilan pang umiyak
Zeri considered them as her friends.
"T-thank you Zeri,"
"It's fine."
"At kung nag-aalala ka sa akin, huwag ka ng mag-alala dahil malakas ako higit kanino man." Dagdag niya pa bago tuluyang umakyat sa ikatlong palapag ng HQ ng kalaban
"Narinig mo ang sinabi niya iho, Magtiwala ka sa anak ko. Malakas siya kaya huwag ka nang mag-alala." Ngiting sabi ni Zior na pilit itinago ang pag-aalala sa anak
![](https://img.wattpad.com/cover/209179583-288-k466912.jpg)
BINABASA MO ANG
The Heartless Queen (𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗)
Acción𝘼𝘾𝙊𝙎𝙏𝘼 𝘽𝙇𝙊𝙊𝘿 𝙎𝙀𝙍𝙄𝙀𝙎 #3 THE HEARTLESS QUEEN Matapos malaman na pinatay ang kan'yang kuya Casper ay bigla na lamang nawala si Zeri at kung saan ito pumunta ay walang nakakaalam. *** Gabi at umuulan nang bumalik si Zeri sa kanilang bah...