CHAPTER 012:

2.5K 98 1
                                    

|ZERI SHIRASE POV|

INILIBOT ko ang paningin sa paligid.

Kasalukuyan na kami ngayong nasa underground para sa mga gangsters.

Nakatayo ni Zyron sa entablado habang nasa ibaba ang mga gangsters na nasa kanya ang paningin.

Habang ako naman ay nasa gilid ng entablado kung saan hindi ako masyadong pansin ng mga tao.

"Magandang gabi mga kapwa ko Gangster. Marahil ay nagtataka kayo kung bakit ko kayong lahat pinatawag..." Panimula ni Zyron tsaka inilibot ang paningin sa paligid "Iyon ay dahil gusto kong ipakilala sa inyo ang inyong magiging Reyna."

Agad na umingay ang paligid at mababakas sa mukha ng mga gangsters ang pagkasabik na malaman kung sino ang kanilang magiging reyna.

"Let's all welcome, Our Queen!" Nakangiti siya sa akin na bumaling.

Napailing naman ako bago nag-simulang lumakad palapit sa kanya. Natahimik naman ang lahat at tanging yapak ko lang ang maririnig.

Nang makarating sa tabi ni Zyron ay inabot niya sa akin ang Mic na hawak

Jeezz!

Do I still need to say something? Tss!

Labag sa loob na kinuha ko iyon sa kamay niya.

"I'm Gul and from today onwards, I'll be your Queen. Be obedient because I'm merciless to those who disobeyed me." Malamig na sabi ko at agad namang nag-hiyawan ang mga ito

"Nice. Mukhang nagustuhan ka nila, My Queen." Nakangiting sabi ni Zyron at akmang yayakapin ako pero mabilis ko siyang itinulak kasabay ng sunod-sunod na putok ng baril na tumama sa mismong pwesto niya kanina

Napangisi naman ako tsaka hinugot ang baril na nasa likuran ko.

*Bang*

*Bang*

*Bang*

"Protect the king." Sambit ko tsaka tumakbo palabas ng underground upang sundan ang taong nag-tangkang patayin si Zyron

"S-shit! My Queen!" Rinig kong sigaw ni Zyron pero kinawayan ko lamang siya

Sabi na nga ba't mangyayari 'to.

*Bang*

*Bang*

Sunod-sunod na baril ng lalaking hinahabol ko kaya napatago ako sa punong malapit sa akin.

Tss.

Nang tumigil siya sa pag-baril ay tsaka ako lumabas sa aking pinagtataguan at itinutok sa kanyang direksyon ang hawak kong baril

Sad to say but dead end na ang lugar na tinakbuhan niya. Isang mataas na pader ang nasa likuran niya.

Idiot. He tried to kill the king without even thinking of how he'll save his ass after.

"H-huwag kang l-lalapit." Nanginginig niyang sabi habang nakatutok rin sa akin ang panibagong baril na dinukot niya mula sa kanyang tagiliran

Pero imbis na matakot ay humakbang pa ako lalo palapit sa kanya kaya mabilis niyang kinalabit ang gatilyo ng kanyang baril.

Napangisi naman ako tsaka walang hirap na iniwasan ang mga bala na inilabas nito.

Bumakas ang gulat sa kanyang mukha dahil sa ginawa ko kaya mas lalong lumaki ang ngisi ko.

Naramdam ko rin na naging pink na naman ang mga mata ko

Sino nga bang normal na tao ang magagawang iwasan ang napakabilis na pagbulusok ng bala ng baril?

The Heartless Queen (𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon