CHAPTER 018:

2.3K 92 20
                                    

|THIRD PERSON POV|

ZERI sighed tsaka hinagod ang kanyang buhok.

"If you really like her then, what are you still waiting for? Tell her that you like her too." Kaswal na sabi niya

"W-wait okay lang sa'yo?"

"Bakit naman hindi?" Balik tanong niya

"W-well, I thought you hate me."

She sighed again. "Seriously? There's no reason for me to hate you."

"I-i guess so,"

"By the way, is that reason why you came here? To confirm if I also like her?" He asked her

Sa totoo lang ay hindi pa rin makapaniwala si Yudos na gusto rin siya ni Zera.

He's happy to know about it.

"Yeah, since she thought that you liked someone else."

For Zeri, her twin and Yudos are being stupid.

Bakit naman aayain ni Yudos lumabas ang kakambal kung hindi niya ito gusto? At bakit naman papayag si Zera kung hindi rin siya interesado?

May dalawang klase kasing dahilan kung bakit.

Una, gusto nila ang isa't isa pero hindi nila masabi.

Pangalawa, isa lang ang interesado sa kanila at ang isa ay walang pakialam kung mag-date man sila.

Kumamot sa ulo si Yudos, "What should I do now then? I also thought that she like someone else when we're talking about that earlier."

"Tss, don't make everything's complicated. Just tell her that you like her too, tapos." Walang buhay na sabi niya

"Hindi 'yon gano'n kadali okay? This is the first time i fell inlove." Natigilan siya sa sinabi nito

First time? Now she know...

"Pwede bang tulungan mo akong ipagtapat ang nararamdaman ko para sa kanya?" Yudos asked

Ngumisi naman siya "Be my servant and i'll help you." Natigilan ang lalaki sa kanyang sinabi pero kalaunan ay sumeryoso rin

"Fine, basta mangako kang tutulungan mo ak—"

"Okay," Pagpuputol niya sa sasabihin nito bago tumalikod

"Aalis ka na?" Tanong nito kaya lumingon siya rito

"Ano ba sa tingin mo?" Balik tanong niya kaya napabusangot ito

"Wala ka bang kasama? Gabi na ah." Muling sambit nito

"Kaya ko ang sarili ko." Nagpatuloy siya sa paglalakad pero muli ring napatigil ng bigla nalang may inilagay ang lalaki sa kanyang balikat

Ang suot nitong jacket.

"Malamig na at alam kong kaya mo ang sarili mo pero babae ka pa rin kaya ihahatid na kita sa inyo. Hintayin mo ako dito, kukunin ko lang 'yong sasakyan ko." Sabi nito tsaka siya tinalikuran at pumasok sa kanilang bahay

Napailing naman siya tsaka inilapag sa semento ang jacket nito at nagpatuloy sa paglalakad.

She don't need his care.

.
.

KUMUNOT ang noo ni Yudos matapos bumaba sa kanyang sasakyan.

Inilibot niya ang paningin sa paligid pero wala siyang nakitang Zeri.

Nasaan na kaya ito? Kakasabi niya lang na hintayin siya eh, Napaka-tigas talaga ng ulo.

Bumaba ang kanyang tingin sa semento ng makita ang jacket na ibinigay niya rito kanina.

The Heartless Queen (𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon