|KAYDEN POV|
NAPANGITI ako habang pinapanood kumain si Zeri Babe. Hindi ko akalain na matakaw pala siya.
Inilabas ko ang aking cellphone tsaka iyon itinapat sa kanya.
*CLICK*
Nag-angat siya ng tingin at malamig akong tiningnan
"Erase that." Aniya pero mabilis akong umiling
"Kiss me first." Ngisi kong sabi tsaka ngumuso
"No thanks." Tugon niya tsaka nag-patuloy sa pagkain.
Napailing naman ako tsaka kinuha ang tissue na nasa table namin at pinunasan ang gilid ng kanyang labi na may sauce ng spaghetti.
Napatigil ako ng magtama ang paningin naming dalawa.
Ewan ko pero simula ng una ko siyang makita, na-inlove na agad ako sa kanya. I like her but i don't know how to say it to her dahil mukha namang wala siyang pakialam sa mga nasa paligid niya.
"Kamay." Nabalik ako sa realidad tsaka ibinaba ang kamay ko
"A-ah pagkatapos nito saan mo gustong pumunta?" Awkward na tanong ko
"Let's go back to our school." Simple niyang sagot tsaka tumayo
"I'm done, Let's go." Dagdag niya pa tsaka naunang umalis
Agad naman akong sumunod sa kanya.
"Itatapon ko nalang 'tong Teddy bea—" Naputol ang sasabihin ko ng agawin niya 'yon mula sa akin
"Akala ko ba hindi mo 'yan gusto?" Taka kong tanong
"Sinabi ko ngang hindi ko 'to Gusto, pero wala naman akong sinabi na hindi ko tatanggapin. Right?"
Napakamot ako sa ulo aking ulo.
"Sabi ko nga eh."
"Tss," Ismid niya tsaka naunang pumasok sa kotse ko
Nakangiti naman akong umiling bago naupo sa driver seat at sinimulang paandarin ang sasakyan
Tahimik lang kami habang nasa byahe. I don't know what to say and it seems like she also do not want some noise, so I just shut my mouth.
"Hey! Bakit ang tagal niyo?" Kunot noong salubong sa amin nila Zoren ng makarating kami sa Rische University
"Anong matagal? Saglit pa nga lang kaming mag-kasama eh." Asik ko pero sinamaan lang nila ako ng tingin
"Anong ginawa niyo? Saan kayo galing?" Tanong naman ni Keaton
"Date namin 'yon kaya wala kayong pakialam." Sagot ko "Hindi ba bab—" Hindi ko na nai-tuloy pa ang sasabihin ko matapos makitang wala na si Zeri ng lingunin ko ito at mukhang hindi rin napansin nila Zoren na umalis ito
"Kingina! Kayo kasi eh." Inis kong sisi sa kanila kaya nginisihan nila ako
"Buti nga sayo!" Asar nila tsaka ako iniwan
Tsk! Mga inggitero!
.
.
.|ZERI SHIRASE POV|
UMUPO ako sa damuhan tsaka niyakap ang Teddy bear na binili sa akin ni Kadena.
I'm currently in the garden. Mabuti nga hindi nila napansin ang pag-alis ko kanina dahil busy sila.
"Why are you with him?" Inangat ko ang ulo para tingnan ang taong nagsabi no'n
"Dylan." He looked at me emotionless
BINABASA MO ANG
The Heartless Queen (𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗)
Acción𝘼𝘾𝙊𝙎𝙏𝘼 𝘽𝙇𝙊𝙊𝘿 𝙎𝙀𝙍𝙄𝙀𝙎 #3 THE HEARTLESS QUEEN Matapos malaman na pinatay ang kan'yang kuya Casper ay bigla na lamang nawala si Zeri at kung saan ito pumunta ay walang nakakaalam. *** Gabi at umuulan nang bumalik si Zeri sa kanilang bah...