|YUDOS GALE POV|
"Why don't you just leave?" Naiirita kong sabi
"Why would I? Do you own this table?" Ngumisi siya kaya mas lalo akong nainis
Ang galing talaga mang-asar ng babaeng 'to eh.
"T-tama na 'yan guys, Pasensya ka na sa kapatid ko Gale." Awat sa amin ni Zera kaya natigilan ako
Shit! I almost forget about her.
Nakita niya tuloy ang hindi kalmado kong side.
But what did she say?
"K-kapatid?" Gulat kong sabi kaya nanlaki ang mata niya tsaka tumingin kay Zeri na naiiling nalang
"Zeri, ito na 'yong order natin oh." Biglang dating ni Dylan at natigilan ito ng makita ako
"D-dre?" Gulat niyang sabu tsaka tumingin kay Zera at Zeri
"Let's go." Tumayo si Zeri tsaka sila pumunta sa counter upang ipabalot ang kanilang inorder at walang paalam na umalis
Ano bang nangyayari?
Nang makaalis sila ay tsaka ko muling tiningnan si Zera.
"M-magkapatid kayo? Paano 'yon nangyari? Hindi ba kayong dalawa lang ni Zero?" Naguguluhan kong tanong kaya napayuko siya
"A-ang totoo n'yan ay Triplets kami. Si Zero, ako at si Zeri." Aniya kaya napanganga ako
"Ayaw niyang may makaalam na kapatid namin siya, at kung anong dahilan ay hindi namin alam ni Zero." Dagdag niya pa
Napabuntong hininga naman ako.
Ibig sabihin ang babaeng gusto kong parusahan ay kapatid nila? Shit! Dapat maging mabait ako kay Zeri dahil baka pag-nalaman ni Zera na gusto ko siyang parusahan ay magalit siya sa akin.
Dapat kunin ko rin ang loob ni Zeri para maging boto siya sa akin para kay Zera.
"I'm sorry if i didn't say about this to you before Gale." Aniya kaya ngumiti ako
"I understand, it's okay." Sambit ko kaya ngumiti rin siya
"Salamat."
Nagpatuloy kami sa pagkain.
Zeri isn't that bad I think dahil mukhang alam ko ang dahilan kung bakit ayaw niyang malaman ng iba na kapatid niya sila Zera.
She want to protect them from her bad reputation.
Paniguradong hindi magiging madali para sa akin na kunin ang loob ni Zeri. Napaka-tigas kaya ng ulo ng babaeng 'yon.
Pero bakit kaya sila mag-kasama ni Dylan? May relasyon kaya sila? Bakit hindi sa akin sinabi ni Dylan eh kaibigan niya ako?
Tsk!
Bahala na nga sila.
.
.
.|THIRD PERSON POV|
NAPABUNTONG hininga si Zeri habang nakatuon ang attention sa labas ng sasakyan ni Dylan.
Kasalukuyan na silang papunta sa kanilang bahay.
She told him na hindi niya na siya kailangan ihatid pa sa kanila pero nagpumilit ito kaya naman pumayag nalang rin siya.
"Alam niya na rin na kapatid ka nila Zera," Sabi ni Dylan na ang tinutukoy na 'niya' ay si Yudos
"Yeah," Pinahinto niya ang sasakyan tsaka roon bumaba since nasa tapat na sila ng kanilang mansion
![](https://img.wattpad.com/cover/209179583-288-k466912.jpg)
BINABASA MO ANG
The Heartless Queen (𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗)
Ação𝘼𝘾𝙊𝙎𝙏𝘼 𝘽𝙇𝙊𝙊𝘿 𝙎𝙀𝙍𝙄𝙀𝙎 #3 THE HEARTLESS QUEEN Matapos malaman na pinatay ang kan'yang kuya Casper ay bigla na lamang nawala si Zeri at kung saan ito pumunta ay walang nakakaalam. *** Gabi at umuulan nang bumalik si Zeri sa kanilang bah...