|ZERI SHIRASE POV|
NAPABUNTONG hininga ako tsaka binuksan ang coke in can na binili ko kanina tsaka iyon nilagok
"Ikaw si Zeri, tama ba?" Napalingon ako sa lalaki na bigla na lamang umupo sa tabi ko
Tss! Gano'n na ba talaga kasikat ang pangalan ko?
"Anong kailangan mo?" Malamig kong tanong kaya napahawak ito sa kanyang batok
"Wala naman akong kailangan sayo. Nakita lang kitang nag-iisa dito kaya lumapit ak—"
"Dapat ba akong mag-pasalamat?" Pagpuputol ko sa kanyang sasabihin dahilan para ngumuso siya
"Ang sungit mo naman."
Umiling ako bago alisin sa kanya ang tingin.
"Aist! Hindi ko alam na hindi ka pala madaling kausapin. Ako nga pala si Dylan, kaibigan ko si Gale." Aniya kaya natigilan ako
Tss. So, kaibigan pala 'to ni Yudos huh?
"Not interested." Sagot ko tsaka tumayo
"Sabi ko nga eh, Pasensya na kung dahil kay Gale mukhang nag-away kayo ng mga kapatid m—" Bago niya pa matapos ang kanyang sasabihin ay mabilis ko nang hinablot ang kwelyo ng kanyang polo
"You heard it all, don't you?" Mariin kong sabi kaya napalunok siya
Damn it! I'm being careless, hindi ko man lang naramdaman na naroon pala siya sa garden kanina.
"E-easy lang, wala naman akong pagsasabihan eh. Kaya hindi mo kailangan mag-alala tungkol doon." Sambit niya kaya binitawan ko ang kanyang kwelyo
"Siguraduhin mo lang." May babala kong sabi tsaka siya muling tinalikuran
Naramdaman ko naman ang pagsunod niya sa akin.
Ano pa bang kailangan niya?
Bakit ba napakarami kong nakikilala na mga taong nakakairita?
"Pero may kapalit." Biglang sabi niya matapos sumabay sa akin kaya kunot noo akong huminto at tiningnan siya
"Don't worry madali lang naman ang kapalit. Gusto ko lang na magpanggap ka bilang Girlfriend ko." Nahihiya siyang yumuko at pinaglaruan ang mga daliri
"Why would i?" Tanong ko
"Gusto kasi akong ipakasal ng parents ko sa anak ng business partner nila na hindi ko naman gusto, kaya sinabi kong may Girlfriend na ako kahit wala naman talaga..." Nag-angat siya ng tingin kaya sinenyasan ko siyang magpatuloy "At dahil d'yan sinabi ng magulang ko na ipakilala ko raw sa kanila ang Girlfriend ko at kapag nagustuhan nila ito ay hindi na nila ako pipilitin na ipakasal sa anak ng business partner nila, pero kapag hindi nila ito nagustuhan itutuloy raw ang kasal." Patuloy niya kaya napabuntong hininga ako
"Sa madaling salita, kahit ipakilala mo ako bilang girlfriend mo ay may posibilidad pa rin na matuloy ang kasal?" He nodded
"Then mag-hanap ka ng babaeng kapareho ng babaeng pakakasalan mo dapat. Asked her to pretend as your girlfriend, then malaki ang chance na magustuhan siya ng parents mo. Easy, isn't it?" Sambit ko
Kumamot naman siya sa kanyang ulo.
"I don't know where I will find someone like her na hindi sa akin magkakagusto. Hindi sa nagyayabang ako but girls easily fell for me. And it will just become complicated." Sagot niya na wala namang halong pagyayabang
"And I think you are different from those girls."
Napailing ako.
"Fine, I'll do it."
BINABASA MO ANG
The Heartless Queen (𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗)
Action𝘼𝘾𝙊𝙎𝙏𝘼 𝘽𝙇𝙊𝙊𝘿 𝙎𝙀𝙍𝙄𝙀𝙎 #3 THE HEARTLESS QUEEN Matapos malaman na pinatay ang kan'yang kuya Casper ay bigla na lamang nawala si Zeri at kung saan ito pumunta ay walang nakakaalam. *** Gabi at umuulan nang bumalik si Zeri sa kanilang bah...