|ZERI SHIRASE POV|
"Hindi ko talaga kayo kayang pakisamahan!"
Napailing ako.
Pang-limang guro na iyon na dumating pero wala pang sampung minuto ay agad rin silang lumalabas ng classroom namin dahil sa pinaggagawa ng mga kaklase ko
"Aish! Nasaan na ba si Sir.Ariel?" Tanong ni jayrold
"Oo nga, dapat siya ang nagtuturo sa atin eh." Sabi naman ni Kurt
Sir.Ariel? Who is he?
"Siya ang adviser natin, sa lahat ng teacher rito ay siya lang ang tumagal sa ugali namin. Hindi niya kami sinukuan o hinusgahan kaya siya ang taong ginagalang namin sa lahat." Biglang sabi ni Keaton na tila nabasa ang nasa isip ko
*CRINGGGGG*
"Lunch Break na! Tara na sa Cafeteria!" Biglang sigaw ni Jason kaya sabay sabay kaming tumayo at lumabas ng classroom namin
Lahat ng madaanan namin ay agad nagsisitakbuhan paalis. Iyong iba naman halos hindi makagalaw sa kinatatayuan nila.
Lahat kami ay napahinto sa akmang pagpasok sa Cafeteria ng makasabay namin ang Red Emperors
"Oh oh oh, Look who's here. The Black Emperors." Nakangising sabi ng isa sa mga lalaki mula rito
"Bakit na-miss niyo ba kami, Glyde?" Nakangisi ring sabi ni Jayrold kaya naman matalim siya nitong tiningnan
"That's enough guys, hindi dapat tayo nakikipag-usap sa mga talunan at WALANG REYNA." Sabi ng nag-iisang babae sa grupo nila kagaya ko
At walang duda na siya ang reyna ng mga ito.
Dahil sa pagkainip at pagkagutom na rin ay dumaan na ako sa mismong pagitan nila
"Who the hell are you?!" Sigaw ng babae na bahagyang napaatras dahil sa pagdaan ko
"Zeri, Nice to meet you." Walang buhay kong sabi tsaka sinenyasan sila keaton na sumunod sa akin
Nakangisi naman nilang nilagpasan ang Red Emperors upang sundan ako.
"Anong gusto mo, Queen?" Tanong ni Jayrold
Kanina pa ako naiirita sa pagtawag nila sa akin ng Queen.
"Ice cream, chocolate flavor and stop calling me QUEEN." Sambit ko
"E-eh?" Usal nila kaya kumunot ang noo ko
"Are you going to buy me an ice cream or not?"
Napakamot sila sa kanilang bago pumunta sa counter at mag-order.
Nang makabalik ay agad kong kinuha ang ice cream sa tray na dala nila.
Akmang susubo na ako pero natigil ang kutsara ko sa ere ng bumaligtad ang lamesa namin at mahulog ang lahat ng pagkain sa sahig
"Pasensya na, napalakas ba?" Nakangising sabi ng isang 'ASO' mula sa Red Emperors
Talking dog, bullshit!
"Ano bang problema mo, Michelle?" Kunot noong sabi ni Jason na marahas na tumayo at masamang tiningnan ang reyna ng red Emperors na Michelle pala ang pangalan.
"Wala akong problema sa inyo damulag, pero sa babaeng kasama niyo meron." Sagot nito at kahit hindi ako sa kanya nakatingin ay ramdam ko ang matalim na tingin na ipinupukol niya sa akin
I sighed.
Trouble just don't really leave me alone.
Am I that attractive for it to always follow me around?
![](https://img.wattpad.com/cover/209179583-288-k466912.jpg)
BINABASA MO ANG
The Heartless Queen (𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗)
Azione𝘼𝘾𝙊𝙎𝙏𝘼 𝘽𝙇𝙊𝙊𝘿 𝙎𝙀𝙍𝙄𝙀𝙎 #3 THE HEARTLESS QUEEN Matapos malaman na pinatay ang kan'yang kuya Casper ay bigla na lamang nawala si Zeri at kung saan ito pumunta ay walang nakakaalam. *** Gabi at umuulan nang bumalik si Zeri sa kanilang bah...