CHAPTER 029:

2K 78 2
                                    

|KEATON POV|

HINDI pa man tumutunog ang alarm clock ko ay gising na ako.

Sobrang nae-excite kasi ako dahil ngayon ang date namin ni Zeri.

"Bihis na bihis ah, saan lakad mo?" Tanong ni Zyron na nakaupo sa sofa at nanonood ng TV

Ngumiti naman ako bago sumagot

"Makikipag-date." Sagot ko kaya napangisi siya

"Talaga lang ha? Sino naman ang malas na babaeng idi-date mo?" Muli niyang sabi kaya napasimangot ako

"Malas your ass! Ang swerte niya kaya dahil makaka-date niya ang gwapong si Ako, pero mas swerte ako dahil SIYA ang makakadate ko." Ngiti kong sabi kaya natigilan siya

"Sino ba kasi 'yong kadate mo?" Curious niyang tanong

"Sino pa ba? Edi si Zeri." Masigla kong sagot \^_^/ pero nagtaka ako ng bigla siyang tumayo at padabog na pumasok sa kanyang kwarto

Problema no'n?

Ah! Baka naiinggit lang siya.

Napangisi ako bago lumabas sa bahay namin at sumakay sa kotse ko.

Hindi na rin ako nag-abala pang mag-paalam dahil wala naman akong mapagpapaalaman dahil wala na kaming mga magulang ni Zyron at tanging si Lolo nalang ang kasama namin minsan.

Nang makarating ako sa tapat ng Rische University ay agad akong bumaba ng sasakyan ko tsaka sumandal dito habang palinga-linga sa paligid.

Nasaan na kaya si Zeri? Baka naman papunta palang siya, kung sa bagay ala-sais palang naman kasi ng umaga.

Hours passed pero hindi pa rin siya dumarating.

Hinagod ko ang buhok tsaka itinapat ang palad sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha.

Halos apat na oras na akong nakatayo dito pero hanggang ngayon ay wala pa rin siya.

Kanina pa rin ako pinagtitinginan ng mga estudyanteng napapadaan sa gawi ko dahil sa suot ko.

Ano ba kasing naisipan ko at nag-suot pa ako ng black tuxedo?

Napabuntong hininga ako tsaka ngumiti ng mapait at pumasok sa sasakyan ko bago iyon pinaandar papasok ng University. Mukhang wala naman siyang balak na sumipot.

"Eh? Bakit naka-tuxedo ka bro? May pinuntahan ka ba?" Tanong ni kurt pero hindi ako sumagot at inilibot lang ang paningin ko sa loob ng classroom namin para hanapin si Zeri dahil baka hindi ko lang napansin ang pag-dating niya but she's also not here.

"Nasaan si Zeri dre?" Tanong naman ni Pierce

"I don't know," Malamig kong sagot tsaka umupo sa upuan ko

"Anong I don't know? Hindi ba nag-date kayo?" Sabi naman ni Jeremy kaya inis ko silang tiningnan

"Hindi ko nga alam!" Sigaw ko tsaka padabog na lumabas ng Classroom namin.

Bwisit!

Napahinto ako sa paglalakad ng makasalubong ko SIYA.

"Bakit gan'yan ang suot mo?" Kunot noo niyang tanong kaya mas lalo akong nainis

Nang-aasar ba siya o sadyang kinalimutan niya lang talaga na Date namin ngayon?

"Hey!" Kumaway siya sa mukha ko kaya tinabig ko ang kamay niya tsaka ko siya nilagpasan

Nakakaasar! Bakit ba ang manhid niya?! Napakadaya!

Naalala niya ang date niya kayla Zoren pero 'yong sa akin nakalimutan niya!

The Heartless Queen (𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon