CHAPTER 009:

2.5K 93 0
                                    

|ZERI SHIRASE POV|

"We're here young lady,"

"Salamat ho," Bumaba ako ng sasakyan matapos naming makarating sa tapat ng 7eleven

Pinanood ko munang umalis si butler June bago ko i-suot ang hood ng jacket at pumasok sa loob ng 7eleven.

Nagugutom ako.

Kumuha ako nang Coke in can at Chocolate bar at pagkatapos mag-bayad sa counter ay agad na rin akong lumabas.

Binuksan ko ang chocolate bar at sinimulan iyong kainin

"Ibigay niyo sa amin ang gamit at pera niyo!"

Napahinto ako sa paglalakad ng makita ang tatlong lalaki na nakasuot ng itim na bonnet at nakapalibot sa kung 'sino' mang hinoholdup nila.

Tss! Mga tao talaga ngayon ay madalas walang magawang matino.

Nagpatuloy ako sa paglalakad habang kinakain pa rin ang chocolate bar ko na tila walang nakikitang holdupan sa asking daraanan.

Bakit ba kasi d'yan pa nila naisipang mang-holdup?

Mga istorbo.

"What? Ang lalaki ng katawan niyo tapos mangho-holdup lang kayo? Bakit hindi kayo magtrabaho? Do you want me to call a police huh?!" Sigaw ng lalaking hinoholdup nila kaya napahinto ako sa paglalakad

His voice sounds familiar.

"G-gale, ibigay nalang n-natin. B-baka saktan n-nila t-tayo." Bakas naman ang takot sa boses ng babaeng kasama niya

Tss. So, it's Yudos. Dapat kanina pa sila nakauwi ah, bakit nandito pa sila?

"No! Sa atin 'tong pera at gamit, wala silang karapatan na kunin 'to." Pagmamatigas ni Yudos kaya napailing ako

Is he brave or just stupid?

Mukha namang hindi siya mahirap kaya bakit ayaw nalang niyang ibigay ang gusto ng mga ito?

"Aba! Matapang ka ha?! Gusto mong masaktan? Sige! Bugbugin niyo 'yan." Sabi ng holduper na mukhang leader nila kaya hinawakan sa braso ng isa si Yudos habang 'yong isa naman ay sinimulan siyang sapakin.

Tapos 'yong leader naman nila ay kinukuha 'yong gamit at pera no'ng babaeng kasama ni Yudos na walang ibang ginawa kung hindi ang umiyak at sumigaw

Napabuntong hininga ako tsaka muling nagpatuloy sa paglalakad at nang malapit ko na silang malagpasan ay napatigil ako ng magsalita 'yong babae.

"P-please, help us..." Nagmamakaawa ang boses nito pero hindi ko soya pinansin

Saving them is already none of my business.

Akmang hahakbang ulit ako paalis pero napatigil ako ng may humatak sa aking braso dahilan para mahulog ang chocolate bar na kinakain ko.

THIS B.A.S.T.A.R.D!

"Saan ka pupunta ha?! Ibigay mo rin sa amin ang per-" Bago niya pa maituloy ang kanyang sasabihin ay mabilis ko na siyang hinarap at malakas na sinuntok sa sikmura

Hindi pa ako nakuntento dahil mahigpit ko pang hinawakan ang kanyang buhok tsaka ko siya paulit ulit na tinuhod sa mukha hanggang sa dumugo ang kanyang ilong.

Paniguradong may nag-crack rin na buto sa kanyang mukha.

Nang magsawa ay tsaka ko siya inihagis papunta sa pader.

Isang matinis na hiyaw ang pinakawalan niya bago siya mawalan ng malay.

Nang lingunin ko ang dalawa pang holduper ay agad na nagsi-takbuhan ang mga ito paalis.

The Heartless Queen (𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon