CHAPTER 021:

2.2K 80 15
                                    

|SOMEONE POV|

"Anong nangyari?" Tanong ko sa aking tauhan na inutusan kong sundan ang naunang grupo na binigyan ko ng mission.

"Nang makita namin sila ay patay na sila pinuno,"

Napabuntong hininga ako.

Masyado kong minaliit ang babaeng iyon.

Inikot ko ang singsing na suot tsaka umiling.

Mas maganda sana kung napatay nila ang babaeng 'yon o kaya naman ay kahit isa man lang sa kanila ay nakabalik ng buhay dala ang impormasyon sa totoong pagkatao nito.

"Ano ng gagawin natin ngayon pinuno?"

Ngumisi ako, "Ano pa ba? Kailangan nating alamin kung sino talaga si Gul ng sa gano'n ay madispatya na natin siya." Sagot ko tsaka tumayo at tumingin sa labas ng glass wall dito sa aking opisina

"Naiintindihan ko pinuno pero may pinaghihinalaan na po ba kayo kung sino siya?"

"Wala pa sa ngayon pero MAY GAGAWA n'yan para sa akin." Sambit ko tsaka nilingon ang pintuan ng aking opisina ng bumukas iyon at ibungad ang anak ko

"Pinatawag mo raw ako Dad," Aniya kaya ngumisi ako

"Gusto kong alamin mo kung sino si Gul. Sa tingin ko ay nag-aaral rin siya sa Rische University kaya hindi ka naman na siguro mahihirapan na hanapin pa siya." Sambit ko

"Paano niyo naman nasabi na naroon nga siya?" Tanong niya

"Dahil nakita ng tauhan natin na pumunta doon si Zyron kanina." Sagot ko kaya napangisi ito

"Kung gano'n ay umasa kayong hindi ko kayo bibiguin." He bowed his head kaya naman mas lalo akong napangisi

"Mabuti, makakaalis ka na."

Nang mawala siya sa paningin ko ay muli akong bumaling ng tingin sa labas.

"Paniguradong malalaman ko rin kung sino ka Gul," I clenched my fist and gritted my teeth

Kailangan ko siyang burahin sa landas ko dahil magiging hadlang lang siya sa mga plano ko.

I must get rid off that arrogant woman.

.
.
.

|THIRD PERSON POV|

"Dad gusto ko ng Ice cream." Napahinto ang lalaki matapos biglaan na huminto ng anak mula sa paglalakad

Nakaturo ito sa 7eleven kung saan kita nila mula sa labas ang mga laman.

Kasalukuyan na sila ngayong naglalakad pauwi galing sa party ng kaibigan ng anak.

Busy kasi ang asawa kaya siya nalang ang sumama sa anak papunta roon.

"Pero gabi na anak, bukas ka nalang mag-ice cream okay?" Sambit  niya

"Pero gusto ko po ng ice cream, dad."

"Please!" Napakamot nalang siya sa kanyang ulo dahil sa pangungulit ng anak

Ngumuso pa ito at nagpa-cute kaya in the end ay pumayag na rin siya.

"Haist! Ikaw talagang bata ka, palagi mo nalang akong dinadaan sa pagpapacute mo. Tara na nga." Buntong hiningang pagsuko niya kaya napatalon sa tuwa ang anak

Nagsimula silang maglakad palapit sa 7eleven at habang palapit sila rito ay nakaramdam siya ng kakaiba. Tila may maling nangyayari sa loob ng 7eleven

"Tara na po dad," Hindi niya na napigilan pa ang anak ng buksan nito ang pintuan ng 7eleven at hatakin siya nito papasok roon

"Don't move,"

The Heartless Queen (𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon