CHAPTER 037:

2K 77 0
                                    

|THIRD PERSON POV|

IWINASIWAS ni Zeri sa hangin ang kanyang katana habang nakatingin kay tres at cinco na bagama't natatakot ay mas pinili na mag-handa rin ano mang oras para umatake at dumepensa.

Alam rin kasi ng mga ito na hindi niya sila hahayaan na tumakas. Isa pa, magiging katawa-tawa sila kapag ginawa nila iyon.

Zeri didn't wear her mask as Gul, because it's already useless.

Her enemies already knew who really she is.

Buhay sa buhay ang labanan na magaganap.

Bawat kalaban ay sisiguraduhin na mamamatay.

Humakbang si Zeri paikot kay Tres at Cinco na nakasandal sa likuran ng isa't-isa at pinagmamasdan ang bawat kilos niya.

"Sa tingin mo matatalo mo kami?" Ani Cinco tsaka ngumisi.

Pilit nitong itinatago ang takot na nararamdaman.

"Hindi mo kami kilala bata. Sa mundo ng mga Assassin, kami ang pinakamalakas sa lahat." Gatong naman ni Tres

"Pinakamalakas? Nakakalimutan niyo na ba si KIN?" Natigilan ang dalawa dahil sa sinabi niya

"H-how did you know h-her? Sino ka ba talaga?" Hindi na naitago pa ni Cinco ang pagkagulat

"Sinong hindi makakakilala sa nag-iisang PINAKAMALAKAS na ASSASSIN sa buong mundo? At isa pa, Minsan rin akong naging Assassin. Napanood ko ang bawat laban niya at kung gaano siya kagaling." Tugon niya tsaka mabilis na sumugod sa mga ito

Mabilis namang na alerto sila Cinco.

Sinangga ni Tres ang katana ni Zeri tsaka inihanda ni Cinco ang kanyang katana para saksakin si Zeri pero mabilis itong nakaiwas at nahiwa siya sa braso.

"Alam ko ang lahat ng sikreto niyo ang lahat ng ginawa niyong pangta-traydor sa kanya." Dagdag pa ni Zeri tsaka muling umatake sa kanila at sa pagkakataon na 'to ay si tres naman ang pinuntirya niya

Masyadong mabilis ang naging pagkilos ni Zeri kaya hindi na nagawa pang iwasan ni tres ang sunod-sunod niyang pag-atake.

"Aaahhh!" Sigaw ni Cinco tsaka tumakbo palapit kay Zeri at handa na sanang putulin ang ulo nito pero agad itong nakayuko dahilan para si Tres ang tamaan ng katana niya

"T-tres," Gulat na sambit ni Cinco ng bumagsak sa lupa si tres na hiwalay na ang ulo sa kan'yang katawan

"You lose." Nakakakilabot na bulong ni Zeri sa tenga niya habang nakabaon sa kanyang tagiliran ang katana nito

"W-who a-are y-you?" Hirap niyang tanong rito

"I'm Zeri Shirase Almante. The One  who who kill you." Ngising sagot ni Zeri tsaka siya itinulak dahilan para mahugot ang nakabaon nitong katana sa kan'yang tagiliran

"A-aahhhh!" Hiyaw niya kasabay ng pagbulwak ng dugo mula sa kan'yang sugat

"I-ikaw! I-ikaw a-ang k-kanang k-kamay n-ni K-kin!"

"Tama ka. Ang ikalawa sa pinakamalakas." Ngising pagpuputol ni Zeri sa sasabihin niya tsaka nito dinampot ang gasolinang nasa tabi ng puno na inihanda talaga nito para sa kanila

"A-anong g-gagawin m-mo?" Hirap na tanong niya habang nahintatakutang nakatingin kay Zeri

Imbis na sumagot ay ibinuhos lang nito ang gasolina sa kanya tsaka nito dinukot ang lighter sa bulsa at ngumisi ng mala-demonyo.

"H-huwag! H-huwag m-maawa k— Aaaahhhh!!!" Umalingawngaw ang palahaw ni Cinco habang nasusunog siya ng buhay

Kitang-kita sa mukha nito ang labis na sakit at paghihirap na siya namang ikinasasaya ni Zeri.

The Heartless Queen (𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon