|ZERI SHIRASE POV|
BUMUNGAD sa akin ang aking ama ng makarating ako sa bahay namin.
Zero and Zera are not here. Nasa school pa sila. Nauna lang akong umuwi.
"Bakit hindi ka umuwi kagabi, Zeri? Alam mo bang muntik na akong humingi ng tulong sa mga pulis para hanapin ka?" Seryosong sabi niya pero blangko ko lang siyang tiningnan
"I'm here now." Walang gana kong turan kaya kumunot ang noo niya
"Haist, Zeri! Napakatigas ng ulo mo." Inis niyang asik kaya napailing nalang ako
Hindi ako umuwi kagabi dahil may pinag-usapan kami ni Zyron tungkol sa Gangster World. May bumabalak raw kasi na pabagsakin siya, at pagkatapos naming mag-usap ay dumiretso na ako sa orphanage para puntahan si Lyn,Ryn at Fyn.
Sila 'yong tatlong bata na nakita ko noon sa gilid ng kalsada ng puntahan ko si Yudos sa kanila. Doon na rin ako natulog sa orphanage dahil tinamad na akong umuwi.
Pero ang Yudos na 'yon ay kung anu-anong iniisip tss!
"Saan ka ba kasi pumunta kagabi at hindi ka umuw—" Naputol ang sasabihin niya ng makarinig kami ng busina ng sasakyan
Sabay kaming napalingon sa labas ng bahay at nakita si Zera na bumaba mula sa sasakyan ni Yudos
Tss, she can go home with zero pero bakit sumakay pa siya sa kotse ng lalaking 'yan?
"Maraming salamat sa paghatid Gale." Ani Zera kaya ngumiti nalang si Yudos at tsaka tumingin sa direksyon ko
Tss.
Dumiretso ako sa kwarto ko tsaka pumunta sa aking damitan at inilabas ang red leather jacket at jeans ko
Agad ko itong isinuot pati ang maskara na ibinigay ni Zyron.
Humarap ako sa salamin at tsaka isinabit sa likuran ko ang lagayan ng aking katana.
Ngumisi ako tsaka inilugay ang aking buhok.
Nae-excite ako.
Matagal na rin ng huling nakatikim ng dugo ang katana ko.
Lumakad ako palapit sa bintana ng kwarto ko tsaka iyon binuksan at tumalon palabas.
Naka-landing naman ako ng maayos.
Agad akong sumakay sa motor ko tsaka iyon mabilis na pinaharurot paalis
It will be an exciting night.
~Smirked~
.
.
.|THIRD PERSON POV|
"Masamang balita boss, Alam na ni Zyron na may gustong magpabagsak sa kanya." Sabi ng isang lalaki kaya kumuyom ang kamao ng tinawag niyang 'Boss'
"Kailangan na talaga natin siyang mapatay sa lalong madaling panahon bago niya pa malaman na tayo ang kumakalaban sa kanya." Sabi nito
"Gawin niyo ang lahat para mawala na siya,"
"Masusunod Boss." Sagot ng lalaki bago umalis
"Paano naman ang pagpapabagsak natin kayla Fawn at North, Boss?" Tanong ng isa pang lalaki na siyang kanang kamay niya
"Tuloy pa rin ang plano, papatayin rin natin sila para makuha ang kanilang puwesto." Sagot nito tsaka ngumisi
"Pero paano, boss? May Kapatid si Fawn na mahirap kalabanin."
"Huwag kang mag-alala, may naisip na akong plano para matalo sila." Ngising sagot nito na tila may napakasamang pinaplano
Kilala nila ang kalaban. Alam nila ang totoong katauhan nila Fawn, alam nilang may tatlong pamangkin ito na sila Zera, Zero at Zeri—well, they didn't know about that before kaya naman mali ang napatay nila. Instead of kidnapping Zero to kill him para maging padalos-dalos sila Fawn at madali nilang mapabagsak ay si Casper ang nakuha nila at napatay.
![](https://img.wattpad.com/cover/209179583-288-k466912.jpg)
BINABASA MO ANG
The Heartless Queen (𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗)
Acción𝘼𝘾𝙊𝙎𝙏𝘼 𝘽𝙇𝙊𝙊𝘿 𝙎𝙀𝙍𝙄𝙀𝙎 #3 THE HEARTLESS QUEEN Matapos malaman na pinatay ang kan'yang kuya Casper ay bigla na lamang nawala si Zeri at kung saan ito pumunta ay walang nakakaalam. *** Gabi at umuulan nang bumalik si Zeri sa kanilang bah...