CHAPTER 020:

2.4K 88 6
                                    

|ZERI SHIRASE POV|

DAHIL sa nangyari kanina sa school ay maaga kaming pinauwi kaya ngayon ay kasalukuyan na kaming naglalakad papunta sa sasakyan namin

"Mauna na kayong umuwi," Usal ko matapos silang maihatid sa sasakyan namin

"Ha? Bakit naman? Saan ka pupunta Zeri? Bakit ayaw mo sa aming sumabay?" Zera asked

"Basta, Umuwi na kayo." Tugon ko

"No! Sasabay ka sa amin. Paano kung mapahamak ka?" Pagmamatigas niya tsaka bumaling kay Zero

"Zero tulungan mo naman ak—"

"Pabayaan mo siya." Malamig na sabi nito tsaka naunang pumasok sa loob ng sasakyan namin

Napabuntong hininga naman ako dahil sa inasta nito.

Kaninang umaga pa siya gan'yan, at hindi ko maintindihan kung ano ang kanyang problema.

"Sasakay ka ba Zera o Hindi?" Asik nito kay Zera kaya napatingin sa akin si Zera

"Sumakay ka na, uuwi rin naman ako agad." Sambit ko tsaka ginulo ang kanyang buhok

"Fine, Basta Mag-iingat ka ah."

Tumango nalang ako at nang makaalis na sila ay agad akong sumakay sa kotseng huminto sa harapan ko.

"Ano bang kailangan mo sa akin?" Agad kong tanong kay Zyron na siyang may-ari ng sasakyan

"May ipapakilala ako sayong importanteng tao." Ngiti niyang sagot kaya kumunot ang noo ko

"Sino naman?"

"You'll know it later, Babe." Sagot niya tsaka ipinatong ang kanyang ulo sa balikat ko

Napangiwi naman ako dahil doon.

Babe? The heck!?

Inilabas ko ang maskara mula sa aking bag tsaka iyon isinuot.

Mabuti nalang at palagi ko itong dala.

"Bakit nag-suot ka pa n'yan?" He asked pero hindi ako kumibo

I just don't want anyone to know about my identity.

"We're here, Master." His driver said kaya agad kaming bumaba ng kanyang sasakyan.

"Let's go inside." Aniya tsaka hinawakan ang kamay ko at sabay kaming pumasok sa loob ng mansion nila

"Magandang hapon, Grandfa." Agad na bati ni Zyron sa matandang lalaki na nakaupo sa couch pero imbis na sumagot ay bumaling lang ito sa akin

"Gul. Am i right?" He asked so I just nodded

"Bakit suot mo ang maskara mo? Ayaw mo bang malaman ko kung sino ka talaga?" Seryoso niyang tanong kaya napangisi ako

"I'm the Queen here.  So, I believed that i can do whatever i want to do. I don't need to follow any orders from any person." Sagot ko kaya natigilan ito pero kalaunan ay agad rin na tumawa

"Gusto ko ang tabas ng dila mo. Karapat dapat ka nga bilang Reyna ng apo ko." Puri niya

"Syempre naman Grandfa, ako 'ata ang pumili sa kanya." Pagmamayabang ni Zyron

Tss.

"Master may problema po tayo, kailangan na po nating umalis." Biglang dating ng isang lalaki na nasa edad kwarenta

"I see, By the way let me introduce you on her first." Sambit ng lolo ni Zyron

"This is my right hand. He's Gabriel." Pakilala nito sa lalaki

"Nice to meet you Queen," Sambit nito tsaka inilahad ang kanyang palad pero imbis na kunin ay tinitigan ko lamang iyon

Napapahiya niya naman iyong binawi.

The Heartless Queen (𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon