Chapter 3

11.4K 182 12
                                    


Agad na hinanap ko ang cellphone ko sa kuwarto ko at namataan ko iyon sa ibabaw ng kama ko.

Malapad ang ngiti sa mga labing tumalon ako sa kama at kihuha ang cellphone ko saka binuhay at hinanap ang numero ni kuya.

Napangiti ako nang makita ang numiro at agad na dinial.

"Kuyaaaa!" malakas na sigaw. Natawa ako nang marinig ko siyang magtsk.

"Ang sakit mo sa tainga."

"Oh, sorrey. Nga pala kuya anong oras na riyan?"

"Alas otso pa lang ng umaga bakit?"

Hindi ko maiwasang mamangha dahil sa narinig. Umaga pa lang sa kanila kuya samantalang dito ay gabi na? "Diyan ba nagpunta ang araw sa inyo at gabi na rito?" 

"Oo bunso."

Naghugis O ang bibig ko. "Ang galing! Lumilipad pala ang araw 'no kuya?"

Mahinang natawa ang nasa kabilang linya. "Hindi lumilipad ang araw bunso. Ang mundo ang siyang gumagalaw at umiikot sa araw kaya dito sumikat ang araw ay dahil ang lugar na ito ang natapat sa araw." Paliwanag ni kuya.

"Buti kuya hindi tayo nahihilo ano?"

Malakas na nagbuntong hininga ang nasa kabilang linya. "Kumain ka na bunso?" Sa tanong niyang iyon ay noon ko lang naalala ang dahilan kung bakit ako tumawag.

"Oo nga pala kuya may tanong ako."

"Ano yun?"

"Kuya, hanapan mo naman ako ng porn oh, nagugutom na kasi ako."

Sandaling natahimik ang nasa kabilang linya.

"S-saan mo narinig yang salitang iyan?" Parang may bahid ng kabang tanong ni kuya.

"Ang alin kuya?" Nagtatakang tanong ko.

"'Y-yang p-porn."

"Ahh... sa kapit bahay ko. Sabi niya ay kalahi raw ng mais ang porn kaya inisip kong mais din ang porn 'di ba kuya?" Muling natahimik ang nasa kabilang linya. "Parang pop corn yata 'yon. Pinaikli lang tapos naging porn na." Bumungisngis ako dahil sa sinabi. Hay... bakit ba napakatalino mo Shasta? "Ang talino ko ano kuya? Nahulaan ko." Muli kong narinig ang pagbuntong hininga niya.

"O-oo naman bunso. S-sige bunso. B-bibilhan kita ng p-porn."

Napatalon ako sa tuwa dahil sa sinabi niya. "Yes yes yes! Thank you thank you talaga kuya!" Nagtitiling sabi ko.

"Walang anuman. Ipapadeliver ko riyan mamaya ang p-porn." Ani kuya at pinatay ang tawag.

Nakangiti naman akong patuloy na nagtalon talon sa kama at nang mapagod ay malapad ang ngiting nahiga ako. Kaya mahal na mahal ko si kuya eh. Ang bait bait niya sa akin.

Tatawagan ko na sana ulit siya nang may narinig akong nag-doorbell. Sa isiping si Brayden iyon ay mabilis akong bumaba sa kama at patakbong lumabas ng kuwarto ko.

Binuksan ko ang pinto at nakangiting lumabas ako ng bahay ko para salubungin si Brayden ngunit natigilan ako nang si Glendale ang makita ko pero agad ding ngumiti nang makita ang dala niya.

"Hey, good evening." Nakangiting bati niya sa akin. Masayang inagaw ko sa kaniya ang dala niyang ice cream na mahina niyangng ikinatawa.

"Good evening din Glen. Pasok ka." Anyaya ko. Nakangiting tumango siya at maglalakad na sana kami papasok sa bahay nang may magparke ng sasakyan sa labas ng gate.

Naglakad ako patungo sa gate nang may kumatok doon. Agad na binuksan ko ang pinto at pumasok si Brayden na may dalang mga paper bag.

"Hey honey." Bati niya sa akin nang makalapit.

Sexual Addiction (Editing)Where stories live. Discover now