Nang makapasok sa kuwarto niya ay dinala niya ako papasok sa banyo para sana maglinis ng katawan ngunit nauwi lang din 'yon sa mainit at mapusok na pagtatalik.
"Feeling satisfied?" Tanong ni Kade na nakahiga sa tabi ko habang nakatihaya at nasa kisame lang tingin samantalang ako ay nakatitig lang sa kaniya habang sapo sapo ang dibdib na linulukob ng kaligayahang wala na yatang katapusan.
"Yeah. I feel ummm... relief." Tugon ko.
"Good to hear that." Sabi niya't nilingon ko. "Matulog ka na. Mag-uumaga na." Sabi niya. Wala iyong bakas ng pagsusungit kaya nakakapanibago.
Umiling ako't patihayang nahiga. "I can't sleep. Specially that you're near. My heart won't stop beating so fast."
Kita ko sa sulok ng mga mata ko ang paglingon niya sa akin.
"Shasta?" Tawag niya sa akin.
"Hmm?"
"Can I court you?"
Mabilis akong napalingon.
"Huh?" Nagtatakang tanong ko.
"Can I court you?" Pag-uulit niya sa sinabi.
"Huh?"
He tsk. "Nabibingi ka na ba? Ang sabi ko, can I court you?" Malakas niyang tanong.
Nakamot ko ang ulo. "Eh paano mo ako gagawing court eh hindi naman ako lupa. Tao ako. Hindi mapapagawan ng ring."
Pairap na iniiwas niya sa akin ang tingin. "Ang slow mo talaga." Bulong niya at dahil sa hina niyon ay hindi ko na naintindihan.
"Anong sabi mo?"
"Ang sabi ko pangit ka." Puno iyon ng sarcasm.
"Sus... nagagandahan ka lang talaga sa akin. Ayaw mo lang umamin."
Hindi siya nagsalita at mabilis na kumilos saka kinubabawan ako na malakas na ikinasinghap ko sa gulat.
"Be my date tomorrow?"
Napakurap kurap ako sa tanong niya. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng tuwa.
"Saan?"
"Tomorrow is my mother's birthday. I want to introduce you to my family."
"Umm sige." Tugon ko na lang kahit ang totoo ay nahihiya ako. Ano kaya ang sasabihin sa akin ng mommy niya? Sana naman ay mabait 'yon. Matamis siyang ngumiti saka lumuko at mabilis na hinalikan ako sa mga labi bago siya nahiga sa tabi ko at mahigpit akong niyakap bago niya ipinikit ang mga mata.
Samantalang ako ay parang nanigas at nabibingi sa lakas ng pintig puso ko.
Kinaumagahan...
Nagising ako dahil sa init na tumatama sa binti ko. Nang imulat ko ang mga mata ay nawalan ako ng hininga nang ang mga labi ni Kade ang bumungad sa akin.
Napakurap kurap ako nang ilayo niya ang mga labi sa mga labi ko.
"Good morning my stupid Shasta." Nakangiting bati niya sa akin. Dahil naka buka ang bibig ko ay may isinubo siya sa akin dahilan para maitikom ko ang bibig ko. "Ang tahimik mong matulog pero 'pag gising ka, para kang tandang na putak ng putak." Aniya at umayos ng upo.
Nginuya nguya ko naman ang isinubo niya sa akin at nang malasahan iyon ay hindi ko maiwasang mamangha sa sarap niyon.
"Meron pa?" Tanong ko habang ngumunguya.
"Nasa bed side table."
Agad na nilingon ko ang bed side table at halos maghugis O ang bibig ko nang makita kung gaano karami ang pagkaing ihinanda niya sa akin.