SHASTA's POVPaggising ko ay parang ang gaan ng pakiramdam ko kaya naman ay may malapad na ngiti sa mga labing bumangon ako mula sa kinahihigahan ko.
"Good morning kapit-bahay." Bati ko kay Kapit-bahay na busy na naman.
Tinapunan ako nito ng tingin. "Good evening bobo."
Napakurap kurap ako dahil sa ibinati niya sa akin. "G-gabi na?"
"Oo." Sagot niya at tumayo. "Sumunod ka sa akin." Sabi nito at binitbit ang paper bag. Hindi naman na ako nagsalita pa at masiglang lumapit sa kaniya.
"Ano 'yang dala mo?" Tanong ko at sinusubukang silipin ang bitbit niya pero inilayo lang niya iyon.
"Lason." Sagot niya. Napatigil ako sa paglalakad. "Bakit?" Tanong niya nang mapansin ang pagtigil ko.
"L-lalasunin mo ako?" Kinakabahang tanong ko.
"Oo. Nang mabawasan na ang mga bobo sa mundo."
Sinimangutan ko siya. "Makabobo ka naman." Nauna akong maglakad sa kaniya saka binuksan ang pintong nasa harap namin. "Wahhhh... ang astig." Manghang sabi ko habang nakatingin sa malawak na pent house "Sa'yo 'to?"
Walang gana niya akong tinignan. "Sa kabilang building." Sagot niya at papasok na sana nang harangin ko siya. Tumaas ang kilay niya.
"Baka pagalitan tayo."
He tsk. "Ang bobo mo." Sabi niya't nilampasan ako.
Nakamot ko ang ulo. Bakit naman kaya-- oh! Bakit hindi ko naisip na sa kaniya 'to? Nakamot ko ang sentido pero agad ding napangiti. Ang talino mo talaga Shasta. Nahulaan mong sa kaniya ito. Lulukso lukso akong sumunod sa kaniya.
Pumasok siya sa isang pinto at muli akong namangha nang mapagtantong kitchen iyon.
Inilapag niya ang paper bag at isa isang inilabas ang laman niyon. Inilagay niya sa metal na lalagyan ang mga pagkain at in-oven iyon.
Umupo naman ako sa counter at pinanood ang ginagawa niya. Kumuha siya ng maliit na palanggana saka naglagay ng mga lulutuin doon.
"Magluluto ka?" Tanong ko.
"Oo." Tugon niya.
"Pero may pagkain naman doon." Sabi ko tukoy ang in-oven niya.
Hindi siya sumagot at mabilis ang mga kamay na naghiwa ng sibuyas at kamatis.
"Ang galing." Manghang sabi ko habang nanonood sa ginagawa niya. "Puwede pasubok?"
"Hindi." Napasimangot ako sa itinugon niya.
"Bakit hindi?"
"Kasi bobo ka."
Hindi makapaniwalang tinignan ko siya. "Para sabihin ko sa 'yo. Hindi ako bobo ah. Matalino kaya ako at magaling pang magluto." Pagmamayabang ko. He tsk. Halatang hindi kumbinsido sa sinabi ko. "Ayaw mong maniwala?" Hindi siya sumagot. "Nagtitipid ka ba?" Pag-iiba ko ng usapan. Nag-angat siya ng tingin. Bakas ang pagtatanong sa kaniyang mga mata. "Ang kuripot mo kasing magsalita."
"Ang ingay mo." Walang ganang sabi niya at nagtungong ref. Naglabas uli ng mga lutuin.
"Hindi ako maingay ah. Masalita lang." Kontra ko.
"Pareho rin 'yon bobo." Sabi niya sa masungit na paraan.
I pout."Ang sungit mo talaga."
Hindi na siya nagsalita pa at itinoon na lang ang pansin sa ginagawa. At dahil alam kong kuripot 'to ay nanood na lang ako sa ginagawa niya. Ngunit ang hirap yatang maging pipi. Masyadong awkward.