Lumipas ang halos dalawang linggo at sa mga araw na 'yon ay pinili kong magkulong sa kuwarto ko. Lumalabas lang ako kapag nagugutom na talaga ako. Sinusubukan din akong kausapin ni kuya minsan ngunit hindi ko siya pinapansin. Hindi ko kasi alam kung paano sasabihin sa kaniya ang lahat.Naguguluhan din ako sa saril ko na hindi ko maintindihan dahil habang lumilipas ang mga araw ay palala nang palala ang kakaibang pakiramdam na lumulukob sa buong pagkatao ko at alam ko sa sarili kong hindi ito tama. He's not my husband or boyfriend for pete's sake!
Oh god. What to do?
"Tumigil ka na kasi pakiusap." Pagkausap ko sa pagnanasang nararamdaman ko.
Sinabunutan ko ang buhok nang tumindi iyon. "Ano ba ang nagyayari sa akin? Why am I always imagining him and me in bed naked and pleasuring each other? Oh my god. I'm a sinful person."
Inis akong tumayo at nagtungong banyo nang mag-init na naman ang katawan ko. God... how can I stop this? Sa mga nakalipas na mga araw ay ganito na lang palagi ang ginagawa ko. Naliligo kapag hindi ko na kayang pigilin ang init ng katawan ko.
Matapos maligo ay agad din akong nagpalit. Nagpatuyo ng buhok at inayos ang kuwarto kong sobrang gulo. Nakalimutan ko na rin palang maglinis ng kuwarto dahil sa sobrang gulo ng isip ko. Ang lahat ng nangyayari sa akin ay ngayon ko lang narasan at hindi ko alam kung paano sosolusyunan ang problema ko.
Nagbuntong hininga ako. Mahirap pala mabuhay sa mundong puro saya dahil kapag namroblema ka, ang hirap maghanap ng solusyon. Pakiramdam mo ay hindi mo alam kung ano ang dapat mong gawin.
Nang matapos kong iligpit lahat ng mga kalat ko ay naupo ako sa gilid ng kama. Tumulala sa bintana at noon ko lang napansin na gabi na pala.
Humiga ako sa kama at ipinikit ang mga mata ko. Hindi pa man lumilipas ang isang minuto ay agad akong napabangon nang maglarawan na naman sa paningin ko ang nangyari sa amin ni Kade. 'Gosh. What's goin' on with me?' Maging sa panaginip ay naroon siya. Kasama ko at gumagawa ng milagro.
Inis na naihilamos ko ang mga palad sa mukha ko nang muli na namang mag-init ang katawan ko kasabay ng panlalagkit ng pang-ibabang bahagi ng katawan ko.
Umalis ako sa kama at naglakad nang pabalik balik. Nanginginig ang katawan at parang nawawala sa sarili.
Anong gagawin ko?
Isinuntok ko ang kuyom na kuyom kong kamao sa pader nang mas tumindi pa ang pagnanasang nararamdaman ko.
"I want sex... I want sex... Damn it!" Frustrated kong sabi.
Ginulo ko ang buhok at bigong naupo sa sahig. Isinandal ko ang likod sa pader ng kuwarto ko at tumingala sa kisame.
Hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko. Frustrated ako at naiinis sa sarili ko dahil kahit ilang ulit ko mang itanggi, isinisigaw pa rin ng katawan ko ang bagay na iyon.
Bakit ko hinahanap hanap iyon? Bakit ako nahilig sa pakikipagtalik gayong hindi naman ako ganito?
Naihilamos ko ang mga palad sa mukha ko. Oh god, what's wrong with me? I badly want to touch myself but I know that won't satisfy me. I need someone to do it with me.
Someone... Someone...
"Ugh god! I can't take it anymore!"
Frustrated na tumayo ako at nakatsinelas lang na lumabas ng bahay ko.
Isang malamig na ihip ng hangin ang sumalubong sa akin paglabas ko sa bahay. Nayakap ko pa ang sarili ngunit hindi niyon naalis ang pagnanasang nararamdaman ko.
Napatingala ako sa bahay ng kapitbahay ko. Bukas pa ang ilaw sa kuwarto niya kaya alam kong gising pa siya.
Lumabas ako sa gate ko at nagtungo sa gate ng bahay niya. Nagdadalawang isip pa ako kung magdo-doorbell ba ako oh hindi.