Mabilis ang pagmamaneho ko habang ang puso ko ay binabalot ng kaba. Shit! Hindi na sana ako nagtrabaho at nanatili na lang sa bahay!
Hinablot ko ang cellphone ko sa dash board nang mag-ring iyon at agad na sinagot ko ang tawag nang mapansing si Hena ang tumatawag.
"Sa Que's Private hospital namin siya nadala. Maraming pasyente sa kabilang hospital eh."
"Sige papunta na ako riyan." Tapos ay pinatay ko ang tawag.
Mabilis na iniliko ko ang sasakyan at mas binilisan pa ang pagmamaneho. Hindi nagtagal ay narating ko na rin ang nasabing Hospital. Agad na nag-park ako at mabilis na lumabas saka malalaki ang hakbang na tinungo ang entrance ng hospital.
Hindi ko na rin kailangan pang hanapin sila dahil nasa gilid lang ng entrance si Callie.
"Where is she?" Tanong ko nang makalapit sa kaniya.
"Nasa delivery room na."
"Bakit hindi ka pumasok?"
She shrugged. "Takot ako makakita ng nanganganak."
Mahina akong natawa saka pumasok na sa hospital at hinanap ang delivery room. Saktong natanaw ko sina Rita at ang tatlong siraulo na nasa labas. Naroon din si Hena.
"Basta ako babae ang anak nila." Rinig kong sabi ni Rita.
"Kami lalaki." Sabi ni Den.
Hindi ko na pinansin pa ang pinag-uusapan nila. Lumapit ako kay Hena na nakaupo sa bench.
"Kumusta?"
Tiningala niya ako. "Nasa delivery room pa rin." Tugon niya. "Upo ka." Dagdag niya.
Mabilis akong umiling. Hindi ko yata kayang maupo sa mga ganitong pagkakataon.
"Ayan na naman iyang expression na iyan Kade. Baka mamaya matae ka na."
Sinamaan ko ng tingin si Den. "Kapag ikaw na ang nasa posisyon ko, ako naman ang magsasabi niyan sa 'yo."
Nginisian niya ako. "Hindi mangyayari iyon. Diba? Diba?" Tapos ay bumaling siya sa tatlo na agad na nagsipagtango. Tsk.
Maraming minuto rin siguro kaming naghintay bago bumukas ang pinto at iniluwa niyon ang doctor na maaliwalas ang mukha.
"Relatives of the patient?" She asked. Agad akong lumapit.
"Asawa niya ako."
Malapad na ngumiti ang doctor. "Congratulations sir. It's a healthy baby girl."
"Can I see them?" Tanong ko habang mabilis at malakas ang tibok ng puso.
"Later. My nurses are still cleaning them."
"Sige salamat."
Sumenyas ang doctor na papasok muna at nang sumara ang pinto ay napalingon ako kay Rita nang marinig ang malakas nitong tawa.
"Narinig niyo iyon? A healthy baby girl kaya bayad."
Tsk. Mukhang pinagpustahan pa yata nila ang anak ko.
"Congrats." Nakangiting sabi ni Hena.
"Salamat." Tugon ko.
SHASTA's POV
Nakatitig lang ako kay Kade na nakangiting hinihele ang anak namin. He look so happy and contented. Kanina pa ako gising pero hindi niya iyon napapansin dahil nakatuon lang ang pansin niya sa anak namin. Hindi ko maiwasang mapangiti. Ang sarap lang sa pakiramdam na pagmasdan silang ganito.