SHASTA's POV
"Saka na 'yang orange. Kumain ka muna." Sabi ni Kade at inilayo sa akin ang isang basket ng orange. Gusto kong magprotesta kaso lang ay tinaliman niya ako ng tingin kaya napasimangot na lang ako.
Nagsalin siya ng pagkain sa plato ko at nang matapos ay nagsalin naman siya ng tubig sa baso ko. "Now eat." Istriktong sabi niya.
"Puwede ko bang ulamin 'yong orange?"
Lahat ng mata ay napatingin sa akin pero agad din nilang iniiwas ang tingin. Alam kong nawiwirduhan sila sa ikinikilos ko. Pati rin naman ako ay naguguluhan ngunit wala eh. Takam na takam akong kumain ng orange na para bang iyon lang ang makakawala ng pagkagutom ko.
Nagbuntong hininga siya at ipinagbalat ako ng orange. Pinarapiraso niya iyon at inilagay sa isa pang plato bago ibinigay sa akin. Malapad akong napangiti at sinimulang kumain.
"Anong gagawin niyo after lunch?" Tanong ni Kade. Nang tignan ko siya ay nakatingin siya kina Den na tahimik na kumakain.
"Pupunta kina Sav. May handaan sila. Nag-top 1 kasi 'yong anak nilang si Forest sa third grading." Si Jett ang sumagot.
Nakuha niyon ang pansin ko. "Nag-top 1 'yon? Ano na grade niya?" Curious na tanong ko.
"Grade 3 na iyon. Hindi na nakaraan sa kindergarten dahil masyadong matalino."
Parang ayaw kong maniwala. Sa ugali n'on nag-top 1? Tumango na lang ako at itinuon ang pansin sa kinakain.
"Inimbitahan naman kayo?" Tanong ni Kade.
Nagtsk si Dalton. "Kailan pa ba natutong mangimbita ang mga 'yon? Pero dahil mababait kaming ninong nitong si Jett ay pupunta kami at isasama na namin si Den. Partners in crime na kami eh. Dapat kung nasaan ang isa ay naroon ang lahat." Tugon ni Dalton.
Hindi ako umiik pero nakikinig naman ako habang masaganang kumakain.
"Anyway, inimbitahan ka pala ni Logan. He wants to talk with you about business. He said your interested to be one of his investors so he will expecting your presence there tonight." Ani Jett.
"Bakit hindi na lang siya pumunta at kausapin ako? Isa pa masyadong malayo ang bahay nila. Tinatamad ako."
Kita ko sa sulok ng mga mata ko ang pagkibit balikat ni Jett. "Sabi niya, pag 'di ka pupunta, papatapunan niya ng bomba ang kompanya mo. Naiirita na raw siya dahil masyadong nasasayang ang oras niya sa 'yo."
Nagtsk si Kade. "Pinagbabantahan ba niya ako?" Tanong nito.
"Halata naman." Natatawang sabi ni Dalton.
"Tsk fine. Anong oras ba?" Tanong ni Kade.
"8:00 pm if I'm not mistaken."
"Magbibigay lang din ng impormasyon hindi pa sigurado." Walang ganang sabi ni Kade.
"Eh di tawagan mo na lang. May contact ka naman sa kaniya." Suhestyon ni Dalton.
Hindi na umimik pa si Kade at lahat ay tahimik na lang na nagpatuloy sa pagkain.
"AALIS NA ako." Paalam ni Kade habang nag-aayos ng sarili sa harap ng salamin.
"Bilhan mo uli ako ng orange ah." Sabi ko rito.
Nakataas ang isang kilay na nilingon niya ako. "Hindi pa sapat 'yan?" Nagtatakang tanong niya. Tinutukoy ang nasa lap kong isang basket ng orange.
"Hindi eh." Sagot ko at ngumiti.
Nagtsk siya. "Okay basta hinay hinay lang ah. Masama sa kalusugan iyan kapag sumobra." Tapos nagsuot siya ng relo.
"Yes sir." Tugon ko at sumaludo pa.