Chapter 45

5.8K 132 4
                                    

SHASTA's POV

Nabuburyong binalatan ko ang orange na hawak. Simula nang umuwi kami ay palagi na siyang busy. Wala na siyang time sa akin. Madalas ding ayaw niya akong pansinin. At palagi na lang siyang may bisita. Hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan nila dahil kapag lumalapit ako ay iniiba niya ang usapan. Nagseselos din ako dahil halos puro mga babae na lang ang kausap niya at ang lapad pa ng ngiti niya sa mga ito.

Minsan naman kapag magkasama kami ay sa laptop na lang siya nakaharap. Malapad na nakangiti na para bang may kung ano siyang nakikita roon.

Sabi niya, tatlong araw daw ang lilipas at kasal na namin pero bakit parang wala naman siyang ginagawa? Kapag tinatanong ko siya ay ang sabi niya lang, busy siya.

"Bakit ka nakasimangot riyan?" Tanong ni Hena na nakaupo sa isa pang swing habang kumakain ng grapes.

Si Callie naman ay naglapag ng blanket at doon nahiga. Gusto niya raw magpa-beauty rest para sa gaganaping engrandeng okasyon. Tsk, ano naman kaya iyon? Isa pa 'to. Kapag tinanong ko ay ayaw rin akong sagutin.

"Nabuburyo ako." Tugon ko.

"Gusto mong mamasyal?" Tanong ni Callie at binalingan ako ng tingin.

Mabilis na umiling ako. "Tinatamad ako." Tugon ko saka naghikab. "Inaantok rin ako."

"Matulog ka kaya?" Suhestyon ni Hena.

Umiling ako."Saka na lang."

"Ikaw bahala." Sabi lang ni Hena.

Magsasalita palang sana ako nang bumukas ang gate. Hindi ako umalis sa puwesto ko at hinintay na makapasok ang kung sino mang bagong dating. Sinenyasan kong maupo na lang sina Hena nang akmang tatayo sila.

"Pero." Hena.

"Tatlong tao ang binigyan ko ng spare key at maaring isa sa kanila ang nagbukas ng pinto." Sabi ko sa kanila. Ewan ko rin si Brayden. Hindi naman yata pupunta iyon dito.

Natigilan ako sa pag-iisip nang makita kung sino ang mga pumasok. Nang mabaling ang tingin ng mga ito sa akin ay agad na ngumiti si Brayden habang ang kasama naman nito ay nakayuko na para bang nahihiyang salubungin ang tingin ko. Bumaba ang tingin ko sa magkahawak nilang kamay tapos ay sa maumbok na niyang tiyan.

Nagugulat ako pero pinanatili ko ang sariling magmukhang kalmado. Ngumiti ako kay Brayden at kinawayan ito.

"Puwede bang... iwan niyo na muna kami?"

Nilingon ako ni Hena. "Pero bilin sa amin ng fiancé mo 'wag ka raw namin pababayaan."

Nginitian ko siya. "I know them." Nag-aalangan man ay tumayo rin sila at nagtungong bahay ngunit minuto ang lumipas ay natanaw ko sila sa balcony ng kuwarto ko.

Ibinalik ko ang tingin sa taong nasa harap ko na. Hindi nito magawang tumingin sa akin. Kagat niya ang pang-ibabang labi at mahigpit na hawak niya ang hintuturo. Tanda na kinakabahan siya. Pero para saan? Hindi ko naman siya kakainin ng buhay para umakto ng ganito.

"Naparito kayo?" Tanong ko at bumaling kay Brayden.

He smiled at me. "She wants to talk to you." Tugon niya.

"Puwede mo ba kaming iwan muna kung gano'n?"

Tumango siya. "Sige."

Aalis na sana ngunit binigyan siya ni Glendale ng nangungusap na tingin. Ngumiti lang si Brayden sa kaniya. The way he stared at Glen, halata sa mukha niyang mahal na mahal niya ito.

Siguro kaya kami pinaghiwalay dahil hindi naman talaga kami para sa isa't isa.

"Napag-usapan na natin ito hindi ba?" Kausap ni Brayden kay Glen.

Sexual Addiction (Editing)Where stories live. Discover now