Chapter 47

5.7K 115 7
                                    


SHASTA's POV

Mula nang magising ako kinaumagahan ay hindi ko na nakita si Kade. Kapag tatawagan ko naman ang cellphone niya ay magriring lang pero hindi naman niya sinasagot. Nakakapagtaka.

"Uuwi kaya iyon?" Tanong ko sa sarili.

Sina Hena at Callie naman ay nawiwirduhan din ako sa mga ikinikilos nila. Naghahanda kasi sila ng mga makakain gayong tapos naman na kaming maghapunan. Ano ba ang mayroon na hindi ko alam Imbis na problemahin ko pa ang mga kakaibang nangyayari ay nahiga na lang ako sa sofa at inisip ang mga mangyayari bukas.

Naguguluhan ako. Kasal na namin bukas pero wala naman siyang sinabi kung ano ba ang magyayari bukas. Ano ang gagawin, saan ang venue ng kasal, matutuloy pa ba ang kasal o wala nang kasal na magaganap. Hindi ko naman kailangan ng engrandeng kasal. Kahit simpleng kasal lang ay ayos na sa akin.

Nagising ako mula sa malalim na pag-iisip nang may mag-doorbell. Agad na tumayo ako ngunit nababagot naman na naglakad patungo sa pinto tapos ay lumabas at muling naglakad patungong gate saka binuksan iyon. Natigilan ako nang mapansin kung sinu-sino ang mga bisitang dumating.

"Hey." Bati ni Savannah sa akin.

"Good evening porn lady." Bati naman ni Forest sa akin sabay daing nang batukan siya ng kaniyang ina. "What's that for mom?" He asked to her mom like he didn't did anything.

"Stop being rude." Matalim na sabi ni Savannah rito.

"Tuloy kayo." Sabi ko sa kanila at linakihan ang pagkakabukas ng pinto.

"Magandang gabi." Bati sa akin ni Rita.

"Magandang gabi rin." Bati ko sa kaniya pabalik.

"Good evening." Wren.

"Magandang gabi." Katherine.

Tinanguan at binati ko rin sila pabalik. Si Gianna naman ay ngumiti lang sa akin. Isinara ko ang pinto saka ni-lock iyon bago sumunod sa kanila.

Pagpasok ay ako na rin ang nagsara ng pinto ng bahay. Nagtungo silang lahat sa salas at sa lamesa roon ay inilapag nila lahat ng mga dala nila.

"Para namang may celebration sa mga dala niyo." Komento ko. Isang case na kasi ng sprite ang dala.

Nagtatakang tinignan ako ng lahat. Magsasalita pa lang sana si Wren nang bigla na lang sumulpot sina Hena at Callie dala ang malaking tray kung nasaan ang mga kanina pa nila pinagkakaabalhan sa kusina.

"Anong meron?" Nagtatakang tanong ko.

Ngumiti si Callie. "Gagi, Bachelorette party mo ngayon."

Tumaas ang dalawang kilay ko. "Bakit hindi ko alam?"

Nagtsk si Hena. "Pakulo ng fiancé mo."

"Kailangan pa ba nun?" Tanong ko.

Wren tsk. "Malamang. Ikakasal ka na kaya bukas kaya dapat magparty tayo para sa huling gabi ng pagiging dalaga mo."

"Bakit? May matutuloy ba na kasal? Eh wala namang sinasabi sa akin si Kade ah. Ang sabi lang niya ay pakakasalan niya ako pero wala naman akong nakikitang ginagawa niya tungkol sa kasal namin. Wala rin siyang sinasabi."

Nagtawanan sila. "Makikita mo rin bukas." Sabi ni Kath at ibinato sa akin ang isang can ng orange juice. Napangiti ako nang masalo ko iyon.

Nabaling ang tingin ko kay Savannah na mabilis na binubuksan ang mga bote ng sprite gamit ang kutsilyo nitong hawak. At bawat mabubuksan niya ay ibinabato niya sa lahat na walang kahirap hirap ng mga itong nasasalo. Wala pang natatapon ni kaunti.

Sexual Addiction (Editing)Where stories live. Discover now