Habang naglalakad kami ay siniko ko siya. Agad na nabaling ang tingin niya sa akin.
"Bakit?" Tanong niya.
Inginuso ko ang dalawang babae't lalaki na naghahalikan sa madilim na parte ng lugar. Sinundan niya iyon ng tingin at nang ibalik ang tingin sa akin ay may pilyo na siyang ngiti.
"Gusto mong gayahin?" Tanong niya ng may halong panunudyo.
Hindi makapaniwalang tinignan ko siya. "Inginuso ko lang naman dahil masyadong PDA."
Bigla niya akong inakbayan na halos ikahulog ng puso ko. "Biro lang." Sabi niya. "Anong gusto mong gawin ngayon?"
Hindi ko magawang sumagot. Nag-iisip ako ng rason kung bakit ganito na lang kalakas ang pagtibok ng puso ko. Hindi ko naman puwedeng sabihing in love ako dahil hindi naman ganito kalakas ang pagtibok ng puso ko noong mga panahong kasintahan ko pa si Brayden. Bigla akong napatakip ng bibig.
"Oh? Bakit?" Tanong niya nang makita ang reaksiyon ko.
Napakurap kurap ako't hinarap siya. "My heart. I think they are weak."
Tumaas ang isang kilay niya. "Paano mo nasabi?"
Kinuha ko ang kamay niya at hinila siya sa gilid. Iniangat ko ang kamay niya at idinikit iyon sa gitna ng dibdib ko kung nasaan ang puso ko.
"Feel my heart. Do you think... it will gonna explode in no time?" Kinakabahang tanong ko. "Oh my god. What if I have heart disea--"
Hindi ko natapos ang sasabihin nang bigla na lang siyang humalagapak ng tawa. Tuloy ay nilingon kami ng mga taong malapit. Mababakasan ang kanilang mukha ng katanungan.
"W-why and h-how it beat that fast?" Natatawang tanong niya.
"It's because of you idiot. You are the reason why it beats that fast." Puno ng paninising tinignan ko siya. "Baka may sakit ka sa puso at nahawa siguro ako sa'yo."
Napahawak siya sa tiyan dahil sa kakatawa. "Ang bobo mo talaga!" Sabi niya at muli na namang natawa.
Nagtatakang tinignan ko siya. Paano naman ako naging bobo sa tanong ko? I tsk. Ito yata ang bobo eh. Nailing ako at kumain na lang ng porn. This man should bring to the nearest mental hospital. I think he has brain disorder. Nakamot ko ang sentido. Brain disorder ba 'yon?
"Kade?" Tawag ko sa kaniya.
"Ano?" Tanong niya ng natatawa pa rin.
"Kapag ba baliw inuuod ang utak? Sabi kasi nila may sira sa utak ibig sabihin inuuod din ang utak mo?"
"Anong kabobohan na naman ba 'yang pumasok sa bobo mong utak at naitanong mo 'yan?" Tanong niya. Tumigil na siya sa pagtawa pero walang gana naman siyang nakatingin sa akin.
"Sabi ng hindi ako bobo. Matalino ako matalino." Pagpupumilit ko. "Tsaka, naisip ko lang kung may sakit ka sa utak. Para ka kasing baliw na tawa ng tawa. Eh 'di ba baliw lang ang ganoon tumawa?" Itinuro ko siya habang may mapang-usisang tingin. "Ikaw."
Nahigit ko ang hininga ko nang bigla na lang niyang ilapit ang mukha sa mukha ko at sa sobrang lapit niyon ay para akong nauubusan ng hininga.
"Anong ako? Hmm?" Tanong niya ng may sinusupil na ngiti.
"L-lumayo ka nga ng kaunti." Sabi ko sabay tulak sa kaniya pero mas inilapit pa niya ang mukha kaya mabilis akong napahawak sa puso ko dahil sa takot na baka sumabog 'yon dahil sa sobrang lakas at bilis ng pagtibok niyon.
"Bakit? Mahina na naman ba ang kapit ng puso mo na parang gustong sumabog?" Hindi ko alam kung bakit hindi ko siya magawang sagutin. Nang mas-ilapit pa niya ang mukha ay halos maduling na ako. "Can't speak?" Tanong niya ng may nakakalokong ngisi.