Shasta's POV
"Kapit-bahay, magpeperya pa ba tayo?" Tanong ko kay Kade habang nakadungaw sa railings ng balkonahe at nakatanaw sa kaniya na umiinom ng beer.
Sandali niya akong tinapunan ng tingin bago ibalik ang tingin sa kawalan."Pag-iisipan ko." Tugon niya.
"Anong pag-iisipan? Sabihin mo na lang na oo."
"Pag-iisipan ko nga. Bakit ba ang kulit mo?" Masama na agad ang mukhang sabi niya.
Mahigit dalawang lingo na rin ang nakakalipas at tuluyan nang gumaling ang pagkababae ko kaya heto't bumalik na naman ako sa kakulitan ko at kung sino sino na lang ang kinukulit ko.
"Bakit ba naman kasi pag-iisipan pa eh ang dali lang sumagot."
Walang gana niya akong tinignan. "Sana hindi ka na lang gumaling. Bumalik ka na naman sa pagiging maingay at madaldal."
"Eh ayaw mo pa kasi."
Malakas siyang nagbuntong hininga. Halatang naiinis na sa pangungulit ko. "Gusto mo ba talagang magpunta roon?" Tanong niya. Malapad ang ngiting tumango ako. "That place was so crowded at boring pa."
"Anong boring? Masaya kaya roon." Kontra ko.
"Bakit nakapunta ka na roon?" Malapad ang ngiting tumango tango ako. Nagbuntong hininga siya. "Fine. Magbihis ka na. Pupunta tayo roon."
Biglang nagliwanag ang mukha ko dahil sa narinig. "Talaga?" Wlaang gana siyang tumango. Tumalon ako sa sobrang tuwa. "Yohoooo! Perya! Here I come!" Masayang tili ko at pumasok sa loob ng kuwarto at agad na naghanap ako ng damit sa closet ko.
Nang makita ko ang mga pinamiling dress ni kuya ay kumuha ako roon ng isa bago naghubad at isinoot iyon saka pinarisan ng pulang doll shoes.
May malapad na ngiti sa mga labing lumabas ako ng closet ko.
Tinungo ko ang mga gamit ko at nag apply ng kaunting make up bago lumabas ng kuwarto dala ang maliit na bag kong may lamang cellphone, pera at susi ng bahay ko.
Paglabas ko ng gate ay sakto namang naroon na si Kade. Nakaupo sa hood ng sasakyan niya. Simple lang ang suot niya pero hindi ko pa ring maiwasang humanga kung gaano siya kagandang lalaki. He's really a gorgeous man.
"Hey." Bati ko rito.
Nang mag-angat siya ng tingin ay agad na ngumiti. "Beautiful." Nakangiting puri niya sa akin.
Kinindatan ko siya. "Bakit nai-in love ka na?" Biro ko. He just tsk. Umalis sa pagkakaupo sa hood ng sasakyan niya bago tinungo ang pinto ng sasakyan sa passenger seat at binuksan iyon. "Gentlman ka rin pala ah kapit-bahay." Naglakad ako palapit bago sumakay ng kotse niya.
Nailing lang siya. Agad siyang umikot at sumakay sa driver's seat bago pinaandar ang makina ng sasakyan at nagmaneho paalis.
Habang nasa daan ay nasa bintana lang ang tingin ko. May matamis na ngiti sa mga labi at excited na excited.
"Oh." Aniya. Napatingin ako sa panyong iniabot niya.
"Bakit?" Tanong ko.
"May alcohol 'yan. Wipe your face and lips. Stop wearing make up. It isn't suits you."
Nagtatakang kinuha ko ang cellphone sa bag ko at ginawang salamin ang camera niyon.
"Bagay naman sa akin ah." Sabi ko habang pinag-aaralan ang mukha ko sa cellphone.
"Hindi. Mukha kang clown." Masungit na sabi niya.
"Mukhang clown ka riyan, hindi naman ganito mag-make up ang clown. Tsaka pandagdag beauty rin 'to 'no."