Nagising akong may mabigat na bagay na nakadagan sa akin at nang imulat ko ang mga mata para tignan 'yon ay ang paa't kamay lang pala ni Kade.
Maingat at dahan dahan akong humarap sa kaniya. Napangiwi pa ako nang kumirot ang gitna ko. Pakiramdam ko ay para akong naging virgin uli.
Nang tuluyan akong makaharap ay tinitigan ko ang mukha niya. Pinag-aralan ang bawat anggulo niyon. I can't believe I'm with this gorgeous man.
Mahina akong natawa nang mapansin ang salubong niyang mga kilay. Tsk. Kahit ba naman sa pagtulog ay salubong pa rin ang mga kilay niya? Minsan napapaisip ako kung may galit ba ang lalaking 'to sa mundo dahil palagi na lang mukhang galit ang bungad niya sa araw at gabi.
Maingat na hinaplos ko ang mukha niya at hindi ko maiwasang mapangiti nang maramdaman kung gaano 'yon kalambot.
Ano kaya ang ginagamit ng lalaking 'to at ganito na lang kakinis ang mukha niya?
Bigla itong gumalaw at hinapit ako palapit sa kaniya saka mahigpit akong niyakap. Para namang tinambol ang puso ko sa ginawa niya.
Nakagat ko ang pang-ibabang labi nang maramdaman ko ang pagkalalaki niyang tumutusok sa tiyan ko.
Panandalian kong nakalimutan ang malakas at mabilis na pagtibok ng puso ko nang maramdaman ko ang pag-iinit ng katawan ko.
Napalunok ako nang magsimulang manlagkit ang gitna ko. Unti-unti na na namang sinasakop ng kakaibang kiliti ang buong katawan ko dahilan para mawala na naman ako sa sarili.
Bumibigat na rin ang bawat paghinga ko.
Oh no... this feeling again...
Marahan akong lumayo sa kaniya at inalis ang braso't hita niyang nakapatong sa akin.
Nakahinga naman ako ng maluwag nang magtagumpay ako sa ninanais.
Marahan akong bumaba sa kama at wala sa sariling naghanap ng banyo sa pent house niya.
Marahang isa isa kong binuksan ang bawat pintong nakikita ko at nang sa wakas ay makita ko ang banyo ay mabilis na pumasok ako roon saka maingat at walang ingay na isinara ang pinto bago itinapat ang sarili sa shower at binuhay ang tubig niyon. Napaigtad pa ako nang umagos ang malamig na tubig mula ulo ko pababa ng katawan ko.
Ngunit imbis na painitin ang tubig ay hinayaan ko lang ang lamig niyon. Umaasang sa pamamagitan ng malamig na tubig ay mabawasan ang init na nararamdaman ko.
Ngunit bigla na lang pumasok sa isipan ko ang nangyari sa amin kagabi dahilan para mas mawala pa ako sa sarili. Ni katiting ay hindi nakatulong ang malamig na daloy ng tubig para pakalmahin ang nagwawala kong kalamnan.
"Oh my god..." wala sa sariling nasambit ko.
Pinatay ko ang tubig at mahinang iniumpog ang ulo sa tiles na pader habang nag-iisip ng dapat gawin.
Ngunit kahit bali-baliktarin ko man ang lahat, hindi ko maikakailang gusto ko ulit gawin ang bagay na iyon kasama siya pero naiisip ko rin na tama pa ba ang gawin ang bagay na 'yon?
Sex is a sin. Especially if you are not married to that person.
Nasapo ko ang ulo ko habang nanginginig ang katawan ko at mas lalo pa akong nawawala sa sarili sa bawat paglipas ng mga segundo.
"Oh my god... stop please." Pakikiusap ko sa katawan ko na gusto na namang gawin ang bagay na 'yon.
Nasapo ko ang mukha ko nang mas tumindi pa ang pangangailangan ng katawan ko at ramdam na ramdam ko na rin ang pamamasa ng pagkababae ko.