Chapter 44

5.9K 131 2
                                    

Nakatitig lang ako sa sing sing na nasa harap ko habang namimingi sa lakas ng tibok ng puso ko.

"Shasta?" Nagising ako sa malalim na pag-iisip nang marinig ko ang boses niya. Nagbuntong hininga siya. Ramdam na ramdam ko ang pagtama ng hininga niya sa batok ko na nagpatindig sa balahibo sa katawan ko. "Gusto ko lang mag-propose kasi gustong gusto na kitang pakasalan. You see, I'm so crazy with you. That's how much I love you but if you are not yet ready, I understand. I will respect your decision."

Dahan dahang hinarap ko siya. Nanginginig ang kamay ko sa labis na kasiyahan.

"Are you okay?" Tanong niya sabay punas ng luhang umagos sa pisngi ko na hindi ko man lang namalayan.

I cupped his face and I kiss him with full of passion and love. Nang humiwalay ako ay tumingala ako para pigilin sa pagtulo ang luha ko bago ibalik ang tingin sa kaniya

"Sa dami ng nagawa mo sa akin, ngayon pa ba ako tatanggi kung kailan mahal na mahal na kita?" Pinakatitigan ko siyang mabuti at hinaplos ang pisngi niya. "And my answer is yes."

Nagtaka ako kung bakit nangilid ang luha sa mga mata niya. Mabilis siyang yumuko at pinunasan ang luha niya. "Sorry. Masaya lang talaga ako."

Nakayukong kinuha niya ang kamay ko at isinuot ang sing sing sa daliri ko kasunod niyon ay ang paghalik niya sa akin.

I can feel the love and respect in his kisses. God... I'm so happy.

Nang humiwalay siya ay malapad na siyang nakangiti sa akin tapos ay niyakap ako ng mahigpit na mahigpit. "I love you. I love you. I love you so much. Damn... para akong nananaginip."

Mahina akong natawa at niyakap siya pabalik.

Humiwalay siya sa akin makalipas ang ilang sandali at mabilis na hinalikan ako sa pisngi.

"Gusto mo pang manood ng fire works?" Tanong niya.

"Meron pa ba?"

Ngumiti siya. "Marami pa." Tugon niya kasunod niyon ay ang muling pagliwanag ng kalangitan. Agad na nabaling doon ang tingin ko't muling namangha sa ganda.






HALOS MAG-AALAUNA na rin bago kami bumalik sa bahay. Siya nasa kusina dahil nauuhaw daw, ako naman ay nasa balcony at nilalanghap ang malamig na simoy ng hangin.

Napatingin ako sa tiyan ko sunod ay sa daliri ko. Hindi ko maiwasang mapangiti. I'd dreamed to build a family with Brayden before but in all of a sudden, something happened and now, I'm going to marry a different person but the man I love the most.

Pumikit ako at nagpakalunod sa kaligayahang nalalasap.

Nasa ganoon akong senaryo nang may pumalibot na mga braso sa baywang ko. "What are you thinking?" He asked then he kissed my cheek.

Ngumiti ako. "I'm thinking about you and to our future kids."

"Kids?"

Iminulat ko ang mga mata ko. Nakadungaw na pala siya sa akin. "Gusto ko kaya ng maraming anak."

Natawa siya sa sagot ko at pianggigilan ang tungki ng ilong ko. "Mahirap manganak."

"Bakit? Nanganak ka na rin ba?" Natawa ako nang samaan niya ako ng tingin.

"Ang pangit mo magbiro." Sabi niya tapos ay kumandong sa akin.

"Huy ang bigat mo." Saway ko sa kaniya.

"Sorry. Nakalimutan kong buntis ka nga pala."

I tsk. Tumayo ako at umalis sa puwesto ko. "Sit." Utos ko. Tumaas ang isang kilay niya. "Umupo ka na lang." Nawiwirduhan man ay sinunod din naman niya ako.

Sexual Addiction (Editing)Where stories live. Discover now