Chapter 37

5.5K 128 1
                                    


Halos kalahating oras din ang binyahe namin bago pumasok ang sasakyan namin sa gate ng napakalaking mansyon.

Namamangha ako dahil sa ganda at laki niyon pero hindi ko naman maiwasang kabahan dahil sa mga lalaking may baril na seryoso lang ang expression ng mukha. Parang walang pakialam ang mga ito sa pagdating namin.

Tensyunadong lumunok ako. At nang huminto ang sasakyan ay lihim akong nagbuntong hininga bago walang imik na lumabas.

Malamig na hangin ang sumalubong sa akin paglabas ko. Lalo tuloy akong kinilabutan.

"Good evening sir." Bati ng lalaking sumalubong sa amin. Seryoso lang ang mukha nito na para bang walang balak na ngumiti.

"Good evening." Tugon ni Kade.

"Follow me." Utos lalaki sa magalang na tinig.

Walang imik naman kaming sumunod.

"Are you okay?" Tanong sa akin ni Kade.

Marahan akong tumango kahit ang totoo'y kinakabahan ako. May pinapaikot kasi ang lalaki sa kamay nitong kutsilyo.

Muli akong lihim na nagbuntong hininga nang buksan niya ang pinto ng malaking mansyon at sinenyasan kaming pumasok. Walang alinlangan naman sumunod kami ni Kade habang ang kamay ay nasa baywang ko. Parang normal lang sa kaniya ang makakita ng mga baril dahil wala naman siyang pakialam sa paligid.

Nang tuluyan kaming makapasok ay sinalubong kami ng naggagandahan at eleganteng disenyo ng bahay. Hindi naman na bago sa akin ang ganitong mga kagamitan ngunit hindi ko lang talaga maiwasang mamangha. Masyadong maganda ang paligid at nakakahanga.

"In this way sir." Anang lalaki. Tinutukoy ang labas.

Agad din naman kaming sumunod.

Paglabas namin ay sinalubong kami ng malakas na tawanan ngunit para ang mga itong minulto na agad natigil at napalingon sa amin. Hindi ko tuloy maiwasang mailang. Puno ng katanungan ang kanilang mga mata.

"Nariyan na pala 'yong pinsan ni Dalton." Boses iyon ni Jett at lumapit sa amin.

Ang awkward. Kakaiba rin ang simoy ng hangin. Masyadong malamig.

"Chill. They won't hurt you." Natatawang bulong ni Kade at lumapit sa mahabang lamesa kung saan naroon ang lahat.

"Good evening everyone." Bati ni Kade sa lahat sa magalang na paraan. Ako nama'y naiilang na tumango sa kanila.

"Tigilan mo kami Kade diyan sa paggalang galang mo. Alam naman nating lahat na napakabastos mo." Mataray na sabi ng isang babaeng itsura palang nito ay mukhang fashionista na. Bahagyang natawa ang kasama ko. "Have a seat." Dagdag nito.

"I just want to live more." Biro nito at iginaya ako paupo sa bakanteng upuan. Naroon pa rin sa akin ang pagkailang nang maupo ako. Sunod siyang umupo sa tabi ko. "Anyway, meet my girl. Shasta Forltiliza." Nakangiting pagpapakilala niya sa akin.

"Nice to meet you girl. I'm Wren Bonaventure and that ugly creature," aniya at binitin pa ang sinabi saka itinuro ang lalaking kamukha niya. Bakas ang pagkairita sa mukha nito dahil sa sinabi niya. "is my twin. His name is Wyatt Bonaventure. Don't be friend with him. He's a womanizer and a rapist." Mas lalong nagsalubong ang kilay ng kakambal pero nginisian lang siya ni Wren.

"Hoy tsismosa kong kakambal, 'wag mo nga akong sinisiraan. Akala mo namang nakakatuwa ka." Salubong ang mga kilay nitong sabi.

Tinaasan siya ng kilay nitong si Wren. "Huh! Bakit? Sa tingin mo nakakatuwa rin ang paninira mo sa akin dun kay Zero?" Taas ang kilay nitong tanong.

Sexual Addiction (Editing)Where stories live. Discover now