KADE's POV
Dahan-dahan akong umalis sa ibabaw ni Shasta nang mabawi ko na ang lakas ko. Umayos ako ng tayo at isinuot lahat ng damit ko. Nang matapos ay nilapitan ko si Shasta. Gusto ko sanang buhatin siya para dalhin sa kuwartong ihinanda ko para sa kaniya ngunit hindi ko alam kung bakit bigla na lang nahinto ang mga mata ko sa maamo niyang mukha, sa labi niyang mamula mula, napalunok ako nang maramdaman ko ang panunuyo ng mga labi ko nang bumaba ang tingin ko sa mayayaman niyang dibdib.
Paulit-ulit kong minura ang sarili sa isip nang maramdaman ko ang pagkabuhay ng alaga ko. "Damn it! Damn it! Damn it!" Paulit-ulit na mga salitang lumalabas sa bibig ko at mabilis na isinuot lahat ng damit niya bago pa ako mawala sa sarili at maangkin siya kahit na tulog siya.
Inis na ihinilamos ko ang mga palad sa mukha ko at agad siyang binuhat para iakyat sa kuwarto niya dala ang bag niya. Habang umaakyat sa hagdanan ay hindi ko maiwasang matawa nang maramdaman kung gaano siya kagaan. 'Ang sarap niyang ibato sa labas.'
Nang makarating sa tapat ng kuwartong katabi lang ng kuwarto ko ay agad ko 'yong binuksan at pumasok sa loob. Binuhay ang ilaw saka nagtungong kama at ihiniga siya. Inilagay ko muna sa bedside table ang bag niya bago siya kinumutan. Bahagya pa akong dumukwang at hinalikan siya sa noo.
"Goodnight my stupid Shasta." Natawa ako sa sariling bulong. Sandali ko pang tinitigan ang mukha niya bago ako lumabas ng kuwarto niya.
Nang makalabas ay agad akong bumaba ng hagdanan at nagtungong kusina at kumuha ng wine at isang wine glass bago lumabas at muling umakyat ng hagdanan saka lumiko pakanan at pumasok sa kuwarto ko tapos ay dumiretso na sa balkonahe.
Inilapag ko ang wine sa coffee table bago nagsalin sa baso at agad ding ininom. Muli pa akong nagsalin at agad na naman ininom. Nagsalin uli ako saka inayos ang pagkakasandal ng likod ko sa upuan at tumulala sa kawalan.
Natatawa ako sa sarili. Nahihibang na ako. Kailan pa ako pumatol sa isang inosente? At pinatulog ko pa sa bahay ko? And what did I said before? That I don't care about her? What a stupid man you are Kade.
"Lalim ng iniisip natin ah."
Nabaling ang tingin ko sa pinto ng balkonahe nang marinig ko ang boses na iyon. Si Den lang pala na palagi na lang maaliwalas ang mukha.
Sandali ko lang siyang tinapunan ng tingin at agad ko ring ibinalik ang tingin sa kawalan.
"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko saka sumimsim ng alak.
Hindi siya nagsalita at tahimik lang siyang naglakad palapit sa akin. Maya maya pa ay may inilapag siyang folder sa harap ko bago siya naupo sa kabilang upuan.
"Nanalo tayo sa kaso laban sa Auntie mo. Nailipat na rin sa pangalan mo ang lahat ng ari-arian ng lolo mo. Pati ang mansyon nito at lupa sa Ilo-Ilo ay nailipat na rin sa pangalan mo." Masayang balita niya. Tinutukoy ang kaso namin laban sa Auntie ko na nag-iisang kapatid ng ama ko. Gustong angkinin nito lahat ng ari arian ni lolo maging ang kompaniya ng namayapa kong ama at nakakatawang isipin na natalo siya sa kaso.
Gumuhit ang nakakalokong ngisi sa mga labi ko. "That's a good news. Paniguradong nagwawala na si Auntie ngayon."
"Napaka tuso mo talaga." Naiiling na sabi ni Den.
Nagkibit balikat ako. "Hinamon niya ako eh. Pinagbigyan ko lang siya." Sagot ko at inisahang tungga ang wine na nasa baso saka muling nagsalin. Inayos ang pagkakasandal ng likod ko sa upuan at pinagkrus ang mga braso ko sa dibdib.
"Do you know how stupid I am today?" Natatawang tanong ko.
Bumakas ang pagtataka sa mukha niya. "Bakit? May ginawa ka bang kalokohan?"