SHASTA FORTILIZA's POV
Mabagal na sinusuklay ko ang buhok ko habang nakangiting nakatitig sa repleksyon ko sa salamin. Kinindatan ko ang sarili saka tumayo. Saktong paglapag ko ng suklay ay ang siya namang sunod-sunod na pagkatok ng kung sinuman sa pinto ng kuwarto ko. Nakangiting tinungo ko ang pinto at binuksan.
"Hey Honey." A tall guy with a wide smile greeted me. Lumapit siya sa akin at ako hinalikan sa pisngi tapos ay mahigpit na niyakap.
"How's my honey?" Naglalambing na tanong ko.
Humiwalay ito sa pagkakayakap sa akin at mas malapad na ngumiti. May kung ano itong inilabas mula sa likuran niya at ipinakita sa akin ang isang box. Binuksan niya ang box at tumambad sa akin ang isang napakagandang gold na bracelet.
"Happy 25th Birthday to the most beautiful woman of my life." Aniya na may paglalambing.
Masayang patalon na niyakap ko siya na ikinatawa niya nang mahina. "Thank you, thank you!"
Sa mahigit dalawang taon na pagiging magkasintahan namin ni Brayden Parker ay palagi siyang ganito. Sweet, malambing at kailan ma'y hindi nakalimutan ang araw ng birthday ko.
"Anything for my beautiful girlfriend." Humiwalay siya sa pagkakayakap ko saka kinuha ang bracelet mula sa lalagyan niyon at isinuot sa kanang braso ko.
Nakangiti kong itinaas ang kamay kung saan niya isinuot ang bracelet. Napakaganda niyon sa braso ko at bagay na bagay. Kahit matagal na kaming magkasintahan ay hindi siya kailanman nag-take advantage sa akin. Palagi niya akong nirerespeto sa kadahilanang ayaw raw niyang mabahiran ng kahit anumang karumihan ang inosente kong utak.
"I love you so much Shasta." Puno ng paglalambing niyang sabi at mabilis na hinalikan ako sa labi na ikinangiti ko.
"I love you too. Nga pala, uuwi si Glendale sa susunod na buwan." Masayang balita ko. Tinutukoy ang kababata kong si Glendale na mahigit limang taon nang naninirahan sa New York dahil doon na ito nag-college at doon na rin nagtapos sa kursong culinary art at ngayon ay isa na siya sa pinakasikat na chief New York.
Nagliwanag ang mukha ni Brayden sa aking ibinalita. "Magandang balita 'yan, sa wakas ay makikilala ko na rin ang best friend mong palagi mong ikinukwento sa akin."
"Sigurado akong magkakasundo kayo nun kasi mabait din siya katulad ko."
Umakbay siya sa akin at iginiya ako pababa ng hagdanan. "Sigurado iyon." Nangingiting sabi niya. "Siya nga pala, nag-agahan ka na?"
Mabilis akong umiling. "Hindi pa."
"Kung ganoon ay sabay na tayo. Saan mo gustong kumain?"
"Sa Fenway's Restaurant." Excited kong tugon. Tinutukoy ang Restaurant kung saan kami palaging kumakain.
Natatawang kinurot niya ako sa pisngi at iginiya palabas ng bahay. Saktong paglabas namin sa gate ng bahay ko ay ang siya namang paglabas ng kapit bahay kong ni pangalan ay hindi ko alam.
As usual ay seryoso na naman ang mukha nito't salubong na naman ang mga kilay na para bang palaging bad mood. Mabilis akong nag-iwas ng tingin nang magtama ang mga mata namin. Nakakatakot kasi siya kung tumingin. Masama at pakiramdam mo ay palagi kang may ginagawa sa kanyang hindi niya nagugustuhan kahit ang totoo ay wala naman talaga.
Nabaling ang pansin ko kay Brayden nang pagbuksan niya ako ng pinto. Maingat na inalalayan niya ako pasakay sa kanyang sasakyan. Malapad ang ngiting umupo ako at hinayaan siyang suotan ako ng seatbelt. Pagsara niya ng pinto ay umikot siya't sumakay na rin saka nagmaneho paalis.
Nang makarating sa restaurant ay siya na ang umorder ng aming kakainin. Brayden is a good boyfriend. Palagi akong iniispoil tuloy ay parang hindi ko alam ang gagawin kapag hindi ko siya kasama. Palagi kasing siya ang gumagawa ng mga bagay na dapat ay ako na ang gumagawa.