SHASTA's POV
Kinaumagahan ay masakit ang ulong bumaba ako ng hagdanan. Pakiramdam ko ay parang umiikot ang paningin ko. Si Kade naman ay may work pa kaya wala siya rito at ang sabi niya ay uuwi siya mamayang tanghali para magpa-check up daw kami ngunit anong oras na at wala pa rin siya.
Mahigpit na napahawak ako sa railings ng hagdan nang mas lalo pang sumakit ang ulo ko.
"Ayos ka lang?" Tanong ni Callie na nakasalubong ko. May dala itong isang basket ng nilabhan niyang damit ko dahil kanina pa ako wala sa mood. Masakit ang ulo't mabigat ang katawan ko.
Pilit akong ngumiti."Ayos lang ako." Sagot ko't nagtuloy-tuloy sa pagbaba. Ramdam ko ang pagsunod niya sa akin ng tingin ngunit wala sa kaniya ang pansin ko.
Nang tuluyan akong makababa ay nagtungo na akong kusina para maghanap ng gamot.
"Hey, are you okay?" Tanong ni Hena na naabutan kong nagtitimpla ng juice.
Ngumiti ako. "Okay lang ako." Tugon ko't hinanap sa drawer ang mga gamot.
Nang makita ko iyon ay kukuha na nasa ako ng isa nang bumaba ang tingin ko sa tiyan ko.
Binitawan ko ang gamot sa halip ay kumuha ako ng baso saka nagsalin ng malamig na tubig doon at ininom ang tubig sa pag-aakalang mababawasan ang pagkahilo ko ngunit wala namang nangyari. Mas lalo lang akong nahihilo.
HENAH's POV
Umiinom ako ng juice habang nakamasid sa kakaibang ikinikilos ni Shasta. She looks pale. Pinagpapawisan din ng maliliit ang noo niya.
"Ayos ka lang ba talaga Shasta?" Tanong ko nang madaanan niya ako. Lalabas na kasi siya ng kusina.
Nilingon niya ako't nginitian pero ang mga mata niya ay mababakasan ng paghihirap. "Ayos lang." Nanghihinang tugon niya't tuluyang lumabas. Inubos ko naman ang juice ko't sinundan siya. Nilingon niya ako't pilit na ngumiti. "Ayos lang talaga ako."
Ngumiti ako pabalik para itago ang pag-aalala sa mga mata ko. Tumalikod siya't muling nagpatuloy sa paglalakad ngunit nakakailang hakbang palang siya nang tuluyan siyang matumba kaya dali-dali ko siyang nilapitan sa takot na baka tumama ang ulo niya sa railings ng hagdanan. Nakahinga ako ng maluwang nang masalo ko siya ngunit muli lang din akong binalot ng matinding pag-aalala nang mapansing wala na siyang malay
"Callie! Ihanda mo ang sasakyan!" Sigaw ko at pinilit na buhatin si Shasta. Medyo mabigat pero kaya pa naman.
Rinig ko ang malakas na pagbukas ng pinto sa second floor at ang paglabas ni Callie. Imbis na bumaba ng hagdan ay mataas siyang tumalon mula second floor pababa sa first floor.
Bakas na bakas ang pag-aalala sa kaniyang mukha nang lumapit siya sa amin. "Anong nangyari?"
"Nahimatay eh. Dalian mo na."dali-dali siyang lumabas. Ako naman ay hirap man, pinilit ko pa rin ang sariling buhatin siya palabas.
Saktong paglabas ko ng bahay ay nasa harap na ang sasakyan ni Callie. Maayos niya iyong binuksan para maisakay ko ng maayos si shasta. Nang okay na ang posisyon niya ay sumakay na rin ako't pinaunan siya sa mga hita ko.
Si Callie naman ay isinara ang pinto bago naupo sa driver's seat at mabilis na binuhay ang makina saka nagmaneho paalis.
KADE's POV
Kalmado akong tignan sa panlabas kong anyo ngunit sa loob loob ko ay kanina pa ako hindi mapakali. Anong oras na at hindi pa rin natatapos ang meeting. Goddamn it!
Hindi ko rin maintindihan kung bakit kanina pa ako hindi mapakali. Kung puwede ko lang patikumin ang bibig ng nagsasalita sa harap ay ginawa ko na. Kanina pa ito. Ang haba haba ng speech eh hindi naman kailangan.