02 | Handkerchief

213 12 1
                                    

AYA'S POV

It's four in afternoon. Awasan na kami.

"Pa'no ba 'yan Missha, I have to go! For sure, nand'yan na si Manong Jin." Pagpapaalam ko kay Missha. Tumango na lang s'ya kasi nag-aayos s'ya ng gamit n'ya.

"Okay bye!" Then naglakad na ako palabas. Paglabas ko ay agad kong kinapa ang bulsa ko para hanapin ang pinakamahalagang bagay sa akin.

Pero wala akong makapa. Patay! Nawawala 'yung panyo ko. But, it's four in the afternoon na, baka 'pag nahuli akong lumabas, ma-late ako ng uwi.

Lagot ako kay Mom at Dad 'pag nagkataon. Wala akong nagawa kung 'di takpan na lang ng kamay ko ang ilong ko pagbaba ng building. Second floor lang naman ako.

Agad kong tinungo 'yung parking lot. At 'di nga ako nagkamali, nanduon na nga si Manong Jin na hindi naman pumapalya sa pagiging maaga. Sumakay na ako kaagad sa kotse.

"Tara na Manong!" Utos ko kay Manong Jin.

Ito ang buhay ko sa halos 17 years na existence ko sa mundo. Papasok sa umaga at diretso sa bahay.

Ilang minuto na lang at nakauwi na din ako sa bahay namin. Pagkababa ko ay sumalubong sa akin si Mia na may malaking ngiti.

"Hello Madame, anong gusto mong miryenda?" Pagtatanong n'ya sa akin at nagpapa-cute pa. Si Mia na ang naging personal yaya ko since bata pa lang ako. Para ko na rin s'yang bestfriend.

"Wala ako sa mood!" Matipid na sagot ko. Naglakad na ako papasok ng bahay na parang pagod na pagod sa buong mag-hapon.

"O dear? How was your day?" Pagtatanong ni Mommy na nasa sala pala. She is busy on her works, kaharap na naman n'ya 'yung sandamakmak na papel.

"It's okay, I find it great." I answered.

Naglakad na ako papunta ng kwarto ko. Pagbukas ko ng pinto, parang naiiyak ako.

Hindi ko maipaliwanag pero bakit parang pakiramdam ko nabuhay lang ako para makulong. Parang buhay ako pero ang pakiramdam ko ay patay na din ako.

Ilang saglit lang ay namalayan ko ng may tumulong luha sa mga mata ko. Aya, ito ka na naman! Hindi ka pa ba nasanay sa buhay mo?

Kabi-birthday ko lang 'nung isang linggo at umpisa na nang pagbibilang ng araw ko.

August 19 na ngayon, Monday. My birthday was August 12, 2019 at I only have 366 days sa mundong ito. Because February 2020 has 29 kaya 366 days.

Dahil tapos na ang araw na ito, I only have 358 days. Binuksan ko ang ilaw ng kwarto ko at sinara ang pinto.

Humilata sa kama. Tinititigan ko na lang ang kisame. At doon, bumuhos lahat ng luha ko.

Siguro nga, dapat ko na lang tanggapin na hanggang dito na lang ako. Ipinanganak lang ako para mamatay. Then suddenly, I felt that my eyes are closing. I just want to sleep, I'm very tired, tired at everything.

BASTI'S POV

Halos mag-aalas singko na kami natapos sa preperation. Agad akong umuwi kasi nakakapagod.

Pagbaba ko pa lang ng kotse ko ay may naririnig na akong maingay sa loob ng bahay. Sa tingin ko tama na naman ang hula ko. May mga bisita na naman si Dad.

Pagpasok ko ay nakita ko na naman ang mga kumpare n'ya. Lima ang mga kaibigan n'yang nandito.

"O, nand'yan na pala ang napaka-husay kong Unico Hijo!" Salubong sa akin ni Dad. Napatigil ako sa pintuan dahil tumayo s'ya at lumapit sa akin.

"Kamusta anak?" Pagtatanong n'ya at tinapik n'ya ang balikat ko. Tumango lang naman ako at ngumiti.

"Kailan ba ang laban ng anak mo?" Pagtatanong ni Mayor Rufalo. As usual, Governer ang tatay ko kaya natural lang na nasa politika din ang mga kaibigan n'ya.

"A, sa Thursday na. At alam ko na ang anak ko ang magpapanalo ng university nila. 'Pag ganyan e, mani na lang sa kanya 'yan!" Sagot n'ya at tumawa naman silang lahat. Inilapit ni Dad ang bibig n'ya sa kanang tenga ko.

"Hindi mo naman ako ipapahiya 'di ba?" Isang nakakatakot na tanong ni Dad. Tumindig lahat ng balahibo ko sa katawan. Pagdating sa kanya, bawal kang sumagot ng alanganin, kailangan oo o hindi lang. Minsan, ayaw n'ya pang tanggapin ang sagot na hindi.

"Yes Dad! I can make it." I answered.

"Good!" Tapos tinapik n'ya ang balikat ko. Sumenyas ako sa kanya na aakyat na ako at tumango s'ya.

Bumalik naman s'ya sa sofa at umupo na kasama ang mga kumpare n'ya. Umakyat naman ako sa kwarto ko.

An exhausted day! Huhubarin ko na sana ang pants ko pero nakapa ko na may nakabukol sa pocket.

Nang kinuha ko, 'yung panyo na nakita ko sa cafeteria kanina. Makapal 'yung tela n'ya at may nakasulat na mamahaling pangalan ng panyo na ang initials ng brand name ay A at C.

Umupo muna ako sa kama para tingnan 'yung panyo. Mabango 'yung panyo at 'nung binuksan ko, nakita ko na may nakalagay na letter na naka-burda

A

Binuksan ko na lang 'yung side table ko sa kwarto at inilagay 'dun 'yung panyo.

Daylight Through The NightfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon