BASTI'S POV
Hays! Ano ba namang lamok 'yan. Ginising ako! Eleven na ng gabi at tahimik na 'yung nasa baba. Mukhang umuwi na 'yung mga kumpare ni Dad.
Pero parang may naririnig ako. Nakakakilabot! 'Yung t'yan ko, naririnig ko na 'yung borborygmi. Lumabas ako ng kwarto at bumaba sa kusina.
Ewan ko ba kung bakit nakakagutom 'pag gabi na. Pagbukas ko ng ref, nakakaurat 'yung laman. Mga yogurt, chocolates, milk, palaman, egg at kung anu-ano pang hindi naman nakakaganang kainin. Gusto ko naman 'nung mainit.
Bigla na lang pumasok sa isip ko 'yung hotdog sandwich na tinitinda sa isang convenience store na may tatlong kulay. Tama! Tutal isang kanto lang paglabas ng village namin 'yung convenience store.
Agad kong kinuha sa kwarto 'yung susi ng kotse ko at bumaba. Pagdaan ko sa sala, napaka-kalat.
Puro bote ng alak at mga bowls na pinaglagyan ng pulutan. Dahan-dahan kong binuksan 'yung pintuan namin. Babalik din naman ako kaagad.
Bago ako pumunta ng garahe, binuksan ko muna 'yung gate namin para madali akong makalabas. Agad akong pumunta sa garahe at sumakay.
TOK! TOK! TOK!
Iii-start ko na sana 'yung kotse pero nagulat ako sa kumatok sa salamin ng pintuan ng kotse ko. Napaatras ako sa takot.
Jusko, si Manang Fe. Binaba ko naman ang salamin ng kotse ko.
"O Manang Fe? Ba't gising pa po kayo?" Pagtatanong ko sa kanya.
"Narinig ko kasing bumukas 'yung pinto." Pagpapaliwanag n'ya. Hayst! Iba na talaga 'pag matanda, mas lumalakas ang instinct.
"Bibili lang po ako ng pagkain sa labas, matulog na po kayo."
"Sige, mag-ingat ka!" Pagpapaalala sa akin ni Manang Fe.
"Opo." Ini-start ko na 'yung kotse at lumabas. Agad namang isinara ni Manang Fe 'yung gate. Yes! Makakakain na din ako.
Hindi naman pahirapan na lumabas sa private subdivision na 'to. Basta gamitan mo lang ng kaunting charm! Presto, makakalabas ka na.
Agad akong nag-drive papuntang convenience store na may tatlong kulay at number lang ang pangalan. Halos five minutes lang ay nakapunta na din ako ng convenience store.
Agad akong nag-park at bumaba. Pagpasok ko agad akong nagpunta sa steamer.
Pero naabutan ko 'yung isang babaeng nakatulala sa may steamer. Naka-pantulog s'ya at mukhang mayaman naman. Pero bakit parang ngayon lang s'ya nakakita ng steamer.
Lumapit na ako sa steamer ng hotdog sandwich. Pumunta muna ako sa likod n'ya at pinagmamasdan s'ya.
Nakita ko na hinawakan n'ya na 'yung bukasan ng steamer. Pero bigla n'yang sinara ulit. My God! Gutom na talaga ako. Kailangan ko na talaga s'yang i-approach
"Uhm, Ms? Kukuha ka ba?" Pagtatanong ko 'dun sa babae. Ilang saglit lang ay humarap s'ya sa akin.
Dug! Dug!
Dug! Dug!What? Ano ba 'tong heart ko? Ba't ang bilis ng tibok? Bakit ganito? Parang kakaiba 'yung naramdaman ko.
Ugh! Ang ganda n'ya! 'Nung humarap s'ya, parang nag-focus lang 'yung paningin ko sa kanya. Hindi ko maintindihan pero iba 'yung aura n'ya!
I can't see any human now! Parang anghel ang nakikita ko. Parang napaka-perpekto ng maliit n'yang mukha, 'yung mapungay n'yang mata at 'yung napakaganda n'yang ngiti. It makes my heart beat fast!
Lagpas lang ng balikat ko 'yung taas n'ya at malapit kami ngayon sa isa't isa kaya nakatingala s'ya sa akin.
"A-E! Hindi na!"
BINABASA MO ANG
Daylight Through The Nightfall
Fanfiction[Wattys 2021 Shortlist] --- There is an old idiom saying that people's life begins at fourties. However, what if your existence is only limited to the legal age and after that - you'll meet the end of your life? Eighteen's Circulatory System Failure...