BASTI'S POV
"Please Missha, sabihin mo sa akin kung ano bang meron kay Aya?" Pagtatanong ko kay Missha.
Nasa labas kami ng bahay nila at pilit ako nitong pinapaalis dahil ayaw n'yang sagutin ang tanong ko.
"Bakit ba gusto mong malaman?" Pabalik na tanong sa akin ni Missha. Tiningnan ko s'ya ng mata sa mata.
"May sinabi s'ya sa akin kanina, gusto n'ya daw na mabuhay ng mahabang panahon pero wala nang pagkakataon. Ano 'yun?" Malumanay na pagtatanong ko kay Missha.
"Wala 'yun at 'wag mo nang alamin pa!" Sabi sa akin ni Missha at itinulak n'ya ako palabas bago isara ang gate pero pinigilan ko ulit 'to.
"Missha—" Sinubukan kong kunin ang atensyon n'ya sa pamamagitan ng malumanay na pakikiusap.
"Malinis ang intensyon ko sa kaibigan mo, kakaiba s'ya sa lahat ng babaeng nakilala ko at alam kong naiintindihan mo ako. She's the lady that is different from anyone I know, and she's giving a different feeling that I can't explain!" Kahit magmukha akong tanga sa mga paglalarawan ko, ginawa ko na para makumbinsi s'ya.
Huminga s'ya ng malalim at tumingin ng seryoso sa akin. Walang ekspresyon ang mukha n'ya at hindi ko makutuban kung nakukumbinsi s'ya o hindi.
"She has E-Disease!" Wika ni Missha at nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi n'ya.
E-Disease? Anong sakit 'yun, anong bagay 'yun? Ngayon ko lang narinig ang bagay tungkol doon.
"E-Disease? Anong klaseng sakit 'yun?" Pagtatanong ko kay Missha. Huminga muli s'ya ng malalim at tumingin sa akin.
"E-Disease ay isang sakit na mamatay ka sa edad na 18 years old dahil ang buhay ng buong circulatory system mo ay magii-span lang hanggang eighteen years simula noong ipinanganak ka! At isa si Aya sa taong tinamaan ng ganung sakit." Umiwang ang panga ko dahil sa sinabi sa akin ni Missha.
Kaya pala ganun na lang ang galit at kaba ni Aya noong akala n'ya ay magpapakamatay ako. She has E-Disease.
Bigla kong naalala 'yung araw na itinanong ko kay Missha ang tungkol sa sakit ni Aya. After noon, ini-research ko pa ang tungkol sa sakit na 'yun at nalaman ko na pito pa lang ang naitatalang may ganun sa Pilipinas.
Sana pala hindi ko na lang tinanong si Missha noon para hindi ko na lang nalaman. Dapat noong nakuha ko 'yung papel, hindi ko na lang binasa at itinapon ko na agad.
"Dr. Cielló, how's my daughter?" Pagtatanong ng nanay ni Aya sa doctor na lumabas mula sa emergency room.
Nandito kami sa labas ng kwarto ni Aya, nasa dulo akong parte ng upuan habang lapit naman sa pinto ang kinauupuan ng mga magulang ni Aya.
Agad silang napatayo ng lumabas ang doktor pero ako ay nanatili lang nakaupo at tumingin sa kanila.
"She's stable, her vital signs are back in normal." Maiksing tugon noong doktor na halata mong banyaga at mukhang Spanish.
"How about her case? Do you see anything about it?" Pagtatanong naman ng tatay ni Aya.
Sandaling natigilan ang doktor at napailing ito. Para may kung anong nagpabigat sa puso ko nang makita ang reaksyon ng doktor.
"You need to know something!" Matipid na sagot ng doktor. Mas lumapit pa ito sa mga magulang ni Aya at may binulong saglit. Maya-maya pa ay pumasok na sila sa loob ng kwarto.
Agad akong tumayo at sinubukan na lumapit sa pinto. Gusto ko mang pumasok at makinig sa usapa nila pero hindi—it's private matter at I think that's very sensitive.
BINABASA MO ANG
Daylight Through The Nightfall
Fanfiction[Wattys 2021 Shortlist] --- There is an old idiom saying that people's life begins at fourties. However, what if your existence is only limited to the legal age and after that - you'll meet the end of your life? Eighteen's Circulatory System Failure...