17 | Behind The Scene

67 4 0
                                    

AYA'S POV

Halos maistatwa ako kanina nang makita ko kung anong nangyari kay Basti. Bukod sa natapunan pa s'ya ng dugo ng baboy ay natumbahan pa s'ya ng plywood. Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa kanya.

Nandito naman kami ngayon sa clinic ng school at iniintay pa rin kung anong nangyayari sa loob. Hindi ko na nga nakita si Basti dahil agad s'yang binuhat ng mga kasamahan naming lalaki sa play at dinala agad s'ya rito kaya hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya.

Ang bigat pa rin ngayon sa loob ko na hindi naman mangyayari sa kanya 'yun kung hindi n'ya ako hinarangan ng malaglagan ng dugo ng baboy at mababagsakan ng plywood. Totoo nga 'yung sinabi n'ya—

"Huwag kang matakot, sasaluhin kita, promise!"

Hindi n'ya ako binigo, hindi ko alam na sasaluhin n'ya talaga 'yung kapahamakan na dapat ay sa akin.

"Paano kaya 'yun nagawa ni William Shakespeare?" Nagulat ako ng biglang umupo sa tabi ko si Missha at nagsalita s'ya. Nagpunas muna ako ng luha at tumingin sa kanya na nagtataka.

"Kasi nagawan n'yang lagyan sa dulong part ng kwento n'ya na malalaglagan pala si Romeo ng dugo tapos mababagsakan pa ng plywood! Mas tragic!" Biglang nagsalita muli si Missha at medyo nakangiti. Hindi ko ako tumawa kasi wala namang nakakatawa sa nangyari.

"Chos!" Bigal n'yang banat sabay sundot sa tagiliran ko. Napahawak naman ako sa mukha ko at kabadong-kabado pa rin ako sa nangyari.

"Ikaw naman kasi Best! Para kang namatayan kung makaiyak, hindi naman malala 'yung nangyari tsaka sabi nila, dilat pa si Romeo nang isugod nila, at mukhang 'di naman nasaktan." Pagpapaliwanag ni Missha. Pero hindi pa rin mawala sa isip ko ang pagtataka at pagkabahala sa nangyari.

"E kasi, baka napilayan s'ya, o nabagok 'yung ulo n'ya." Pagpapaliwanag ko kay Missha at hindi ko naman napigilan ang luhang pumuslit sa mga mata ko.

Bigla naman n'ya akong niyakap at hinahaplos 'yung ulo ko.

"Sa bagay, siguro nga kung ako rin, ganyan ang reaksyon ko. Lalo na sa kalagayan mo na minsan lang maka-encounter ng aksidente." Para namang bigla akong na-comfort sa sinabi ni Missha.

Tama nga s'ya, minsan lang ako maka-encounter ng aksidente. Kahit nga 'nung bata ako, ilang beses lang yata ako nadapa at nagkasugat sa sobrang pagka-ingat ng mga magulang ko, plus, hindi ako masyadong nakakalabas ng bahay 'nung bata ako. Kaya parang siguro ang OA ko ngayong mag-react.

Bigla ko namang narinig ang tunog ng escutcheon at bumukas ang pinto at iniluwa nito ang nurse na nagbantay din sa akin 'nung natamaan ako ng bola. Napatayo naman agad ako.

"Si Basti po?" Pagtatanong ko sa nurse.

"Okay naman po s'ya, luckily wala naman s'yang natamong galos at hindi ganun kalakas ang impact ng plywood sa likod n'ya. Gising s'ya at kausap n'ya si Sir. Santos." Pagpapaliwanang ng nurse. Napatango naman ako at agad akong pumasok sa loob ng clinic.

Pagpasok ko ay agad kong natanaw ang bukas na kurtina at may nakatalikod na lalaki. Agad akong lumapit doon.

"Basti?" Pagtatanong ko paglapit na paglapit ko sa kama. Napalingon naman sa akin 'yung lalaking nakatalikod na si Sir pala at napatingin ako kay Basti.

Naka-T shirt na s'ya at naka-tokong na
Medyo amoy pa rin 'yung dugo ng baboy kasi hindi naman s'ya naligo at pinunasan lang. Wala na naman s'yang bahid ng dugo at iba na rin ang suot n'ya ngayon.

Walang sabi-sabi ay agad akong lumapit sa kanya at napayakap. Kahit nakahiga s'ya at nayakap ko pa rin s'ya. Hindi ko alam kung ano na lang ang gagawin ko kung napahamak s'ya ng dahil sa akin. Patuloy na lumuha ang mga mata ko pero walang ingay akong nililikha.

Daylight Through The NightfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon