37 | Break Free

74 5 0
                                    

BASTI'S POV

Biyernes ng hapon, malapit na ako sa labas ng condominium building kung saan ako nakatira ng may matanaw akong pamilyar na SUV at may lalaking nakatayo doon.

Pumarada ako sa gilid at agad na bumaba sa kotse ko. Nakita si Timothy pala 'yung lalaking nakatayo.

"Basti, mabuti naman at dumating ka na." Wika sa akin ni Timothy at mabilis kaming nagtapikan ng likod.

"O, kanina ka pa dito?" Pagtatanong ko kay Timothy. Umiling naman ito.

"Hindi na mahalaga 'yun! Mas may kailangan ka dapat na malaman." Seryosong tono sa akin ni Timothy. Tiningnan ko naman s'ya ng seryoso.

"Ba—Bakit, ano 'yun?" Pagtatanong ko sa kanya. Ilang segundo din s'yang nakatitig ng diretso sa akin.

"Basti, ako 'yung lalaking dahilan kung bakit naghiwalay kayo ni Shannara dati!" Turan ni Basti. Nagulat ako ng sobra dahil sa sinabi n'ya.

"So you mean—"

"Oo Basti, ako ang ex-boyfriend ni Shannara." Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi ni Timothy.

"Maniwala ka man sa akin, hindi ko alam na kayo pa ni Shannara noon. Sabi n'ya break na daw kayo pero 'yun pala, ibe-break ka pa lang n'ya." Pagpapaliwanag sa akin ni Timothy.

"Ng maging kami ni Shannara, hindi ko alam na she just used me para makipag-break sa'yo. Then noong kami na, parang she's just using me to get her wants." Dagdag pa ni Timothy.

Halos malaglag ang panga ko dahil sa mga ikinukwento ni Timothy. Hindi din naman malabong gawin 'yun ni Shannara dahil nagawa n'ya nga 'yun sa akin e, kay Timothy pa kaya?

"Ba—Bakit mo sinasabi sa akin 'to?" Pagtatanong ko kay Timothy. Napayuko naman s'ya at saglit na tumahimik.

"Kasi kanina, she just talked to me, may binabalak na naman s'ya against you and Aya!" Turan ni Timothy na mas lalong nagpagulat sa akin.

"Sinasama n'ya pa nga ako, pero ayoko na! I don't want the history to be repeat, kaya ngayon ini-inform na kita." Dagdag pa ni Timothy.

"May naisip ako! At sa tingin ko malalaman natin kung ano bang tumatakbo sa isip n'ya." Wika ko nang may biglang pumasok sa isip ko.

Ayun nga ang naging plano namin ni Timothy, tatanggapin n'ya 'yung offer. Noong nakaisip na ng plano si Shannara, tsaka naman namin hinanapan ng butas 'yung planong naisip n'ya.

She wants na i-set up kami ni Aya, dadalhin n'ya ako sa lugar kung nasaan si Aya kasama si Timothy para mag-selos ako at mag-away kami.

"Salamat Shannara, hindi mo na ako pinahirapan!" Malambing na sabi ko matapos kong humagalapak.

Ipinakita ko sa kanya 'yung phone ko at nakalagay ito sa—sound recorder.

Halos hindi s'ya makapaniwala dahil nakuha kong i-record ang mga pinagsasasabi n'ya sa akin about sa hidden agenda ng tatay n'ya.

"Akala mo na-set up mo kami pero hindi mo alam, ikaw 'yung na-set up! Habang nagpla-plano ka, sinabi na sa akin ni Timothy ang lahat! Buti nga at hindi mo na pinatagal at nagsalita ka na agad." Turan ko pagkatayo ko at napatayo din s'ya na gulat na gulat pa rin ang mukha.

"Anong ibig sabihin nito? Totoo—ano 'to?" Mautal-utal na wika ni Shannara.

"Anong sa tingin mo—babe? Iiwan ko si Aya at babalik ako sa'yo para magpaloko? Hell no! Nagpla-plano ka pa lang, binubuwag na namin." Sarcastic kong wika sa kanya.

Daylight Through The NightfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon